Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sagradong Poste
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • SAGRADONG POSTE

      Ang salitang Hebreo na ʼashe·rahʹ (pm., ʼashe·rimʹ) ay ipinapalagay na tumutukoy (1) sa isang sagradong poste na sumasagisag kay Asera, isang Canaanitang diyosa ng pag-aanak (Huk 6:25, 26), at (2) sa diyosang si Asera mismo. (2Ha 13:6, tlb sa Rbi8) Ngunit hindi laging posible na matiyak kung ang tinutukoy ng isang partikular na kasulatan ay ang idolatrosong bagay o ang diyosa.

  • Sagradong Poste
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Si Asera. Ipinakikilala ng mga teksto ng Ras Shamra ang diyosang ito bilang asawa ng diyos na si El, ang “Maylalang ng mga Nilalang,” at tinutukoy siya ng mga iyon bilang “Ginang Asera ng Dagat” at “Ninunong Babae ng mga Diyos,” sa gayo’y ina rin siya ni Baal. Gayunman, lumilitaw na maraming pagkakatulad ang mga papel ng tatlong prominenteng diyosa ng Baalismo (sina Anat, Asera, at Astoret), gaya ng makikita sa di-Biblikal na mga reperensiya at pati sa rekord ng Kasulatan. Bagaman si Astoret ang tinutukoy bilang asawa ni Baal, maaaring ganito rin ang turing kay Asera.

      Noong panahon ng mga Hukom, mapapansin na ang mga apostatang Israelita ay ‘naglingkod sa mga Baal at sa mga sagradong poste [mga Asherim].’ (Huk 3:7, tlb sa Rbi8; ihambing ang 2:13.) Maaaring ipinahihiwatig ng pagtukoy sa mga bathalang ito sa anyong pangmaramihan na ang bawat lokalidad ay may sariling Baal at Asera. (Huk 6:25) Si Jezebel, ang Sidoniong asawa ni Ahab na hari ng Israel, ay nagpapakain noon sa kaniyang mesa ng 450 propeta ni Baal at ng 400 propeta ng sagradong poste, o ni Asera.​—1Ha 18:19.

      Nang maglaon, ang mahalay na pagsamba kay Asera ay isinagawa sa mismong templo ni Jehova. Inilagay pa nga roon ni Haring Manases ang isang inukit na imahen ng sagradong poste, maliwanag na isang representasyon ng diyosang si Asera. (2Ha 21:7) Dinisiplina si Manases sa pamamagitan ng pagdadala sa kaniya bilang bihag sa Babilonya at, pagkabalik niya sa Jerusalem, ipinakita niyang nakinabang siya sa disiplinang iyon at inalis niya sa bahay ni Jehova ang mga kagamitan sa idolatriya. Gayunman, ibinalik ng kaniyang anak na si Amon ang mahalay na pagsamba kina Baal at Asera, pati na ang seremonyal na pagpapatutot. (2Cr 33:11-13, 15, 21-23) Dahil dito, kinailangan ng matuwid na si Haring Josias, na siyang humalili kay Amon sa trono, na ibagsak “ang mga bahay ng mga lalaking patutot sa templo na nasa bahay ni Jehova, kung saan ang mga babae ay naghahabi ng mga toldang dambana para sa sagradong poste.”​—2Ha 23:4-7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share