-
MesaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sumasang-ayon ang karamihan sa mga komentarista na inihandog ni Mesa ang sarili niyang anak bilang hain sa kaniyang diyos na si Kemos. Sinasabi naman ng ilan na tumututol dito na ang inihain ay isang nabihag na anak ng hari ng Edom, anupat binabanggit ang Amos 2:1 bilang katibayan, kung saan tinutukoy ang Moab na ‘nagsunog ng mga buto ng hari ng Edom upang maging apog.’ Bagaman ipahihintulot ng balarilang Hebreo ang ganitong pagpapakahulugan, ang huling nabanggit na mungkahi ay waring salungat sa ibang mga bagay na alam na. Halimbawa, hindi ginagawa ng mga Moabita at mga Ammonita, mga karatig-bayan ng Israel, na ihandog ang mga kaaway nila bilang mga hain sa kanilang mga diyos, ngunit isang kilalang gawain ng kanilang relihiyon na ihandog ang sarili nilang mga anak bilang mga haing sinusunog upang paglubagin ang galit ng kanilang mga diyos. (Deu 12:30, 31; Mik 6:6, 7) Sa gayon ay mauunawaan kung bakit ang mananambang ito ni Kemos, si Mesa, nang mapaharap sa napipintong panganib na matalo, ay bumaling sa gayong marahas na hakbang.
-
-
MesaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sa paghahambog tungkol sa kaniyang pagiging napakarelihiyoso, sa pagtatayo niya ng mga lunsod at ng isang lansangang-bayan, gayundin tungkol sa isang inaangkin niyang tagumpay laban sa Israel, iniuukol ni Mesa ang lahat ng kapurihan sa diyos na si Kemos. Kilala rin ni Mesa ang Diyos ng Israel na si Jehova, sapagkat sa ika-18 taludtod ng dokumentong ito ay masusumpungan ang Tetragrammaton. Doon ay ipinagyayabang ni Mesa: “Kinuha ko mula roon ang [mga sisidlan] ni Yahweh, at dinala ang mga ito sa harap ni Kemos.” (LARAWAN, Tomo 1, p. 946)
-