Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Karamdaman at Panggagamot
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nagsagawa ng medisina at pag-oopera ang sinaunang mga Ehipsiyo, at tungkol sa kanila ay sumulat ang istoryador na si Herodotus (II, 84): “Lubhang magkakaiba ang isinasagawa nilang medisina, anupat isang karamdaman lamang ang pinagagaling ng bawat manggagamot. Napakarami ng mga manggagamot sa buong bansa, anupat ang ilan ay espesyalista sa mata, ang ilan ay sa ngipin, ang ilan ay may kinalaman sa tiyan, at ang ilan naman ay sa mga tagóng karamdaman.”

      Sa Ehipto, kabilang sa mga pamamaraan sa pag-oopera ang cauterization upang makontrol ang pagdurugo, at ang pag-aangat sa piraso ng buto na maaaring nakadiin sa utak ng isang tao kung nagkaroon ng basag ang kaniyang bungo. Ginamitan ng mga balangkat (splint) ang mga baling buto, anupat natuklasan pa nga ang ilang momya na may mga balangkat na yari sa balat ng punungkahoy na binendahan. (Ihambing ang Eze 30:20, 21.)

  • Karamdaman at Panggagamot
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Tungkol sa mga manggagamot ng Ehipto at sa kanilang mga panlunas, ang The International Standard Bible Encyclopaedia (Tomo IV, p. 2393) ay nagsabi: “Mula sa naingatang sinaunang medikal na mga papiro, na ang pinakamalaki ay ang Papyrus Ebers, alam natin na ang kaalaman sa medisina ng mga manggagamot na ito ay batay lamang sa kanilang obserbasyon, halos puro mahika, at di-kaayon ng siyensiya. Bagaman marami silang pagkakataon para pag-aralan ang anatomiya ng tao, halos wala silang alam tungkol dito, masyadong sinauna ang mga paglalarawan nila sa mga karamdaman, at walang-bisa ang karamihan sa daan-daang reseta na nasa mga papiro. Pati ang kanilang pamamaraan sa pag-eembalsamo ay maling-mali anupat ilan lamang sa kanilang mga momya ang mapepreserba kung ang klima ay hindi gaya niyaong sa Ehipto.”​—Inedit ni J. Orr, 1960.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share