Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kereteo, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • KERETEO, MGA

      Pangalan ng isang bayan na iniuugnay sa mga Filisteo. (Eze 25:16; Zef 2:5)

  • Kereteo, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa Ezekiel 25:15-17 at Zefanias 2:5-7, ang mga Kereteo at ang mga Filisteo ay magkasamang binanggit, at waring ipinahihiwatig nito na mayroon silang malapit na kaugnayan. Sa Griegong Septuagint, ang terminong “mga Kereteo” sa mga talatang ito ay pinalitan ng “mga Cretense,” marahil ay upang iugnay sila sa mga Filisteo na “mula sa Creta [Captor].” (Am 9:7) Dahil dito, at yamang lumilitaw sa 1 Samuel 30:14, 16 na ang mga Kereteo ay konektado sa “lupain ng mga Filisteo,” ipinapalagay ng karamihan sa mga iskolar na ang mga Kereteo at ang mga Filisteo ay iisang bayan lamang o kaya naman ay dalawang bayan na may malapit na kaugnayan. Sinasabi naman ng iba na maaaring ang mga Kereteo ay isang pangunahing tribo ng mga Filisteo.

      Iminumungkahi na bagaman noong una ay dalawang bayan sila, maaaring ang mga Filisteo ang mas makapangyarihan o sila ang mas naunang dumating sa Canaan at sa gayo’y sila ang nangibabaw nang bandang huli, kung kaya isinunod sa pangalan nila ang lupaing tinawag na Filistia, bagaman hindi naman tuluyang naglaho ang pangalang mga Kereteo. Batay sa pangmalas na ito, ang nabanggit na mga hula ni Ezekiel at ni Zefanias ay nangangahulugang magpapasapit si Jehova ng paghihiganti at kaabahan sa lahat ng tumatahan sa mga lunsod ng Filistia, kapuwa sa mga Filisteo at mga Kereteo, mga hulang maliwanag na tinupad ng mga Babilonyo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share