Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bautismo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ngunit noong mga 36 C.E. tinagubilinan ng Diyos si Pedro na pumaroon sa tahanan ng Gentil na si Cornelio, isang Romanong opisyal ng hukbo, at sa pamamagitan ng pagbubuhos ng Kaniyang banal na espiritu kay Cornelio at sa sambahayan nito, ipinakita Niya kay Pedro na ang mga Gentil ay maaari nang tanggapin para sa bautismo sa tubig. (Gaw 10:34, 35, 44-48)

  • Bautismo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang mga tao ng mga bansang Gentil, maliban sa mga tuling proselitang Judio, ay wala sa ilalim ng tipang Kautusan at hindi pa kailanman naging isang bayan na may pantanging kaugnayan sa Diyos na Ama. Ngunit noong panahong iyon ay binuksan ang pagkakataon sa kanila bilang mga indibiduwal upang maging bahagi ng bayan ng Diyos. Samakatuwid, bago sila mabautismuhan sa tubig, kailangan nilang lumapit sa Diyos bilang mga mananampalataya sa kaniyang Anak na si Jesu-Kristo. Pagkatapos, alinsunod sa halimbawa at utos ni Kristo, wasto lamang na sumailalim sila sa bautismo sa tubig.​—Mat 3:13-15; 28:18-20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share