Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tipunang-tubig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Mga Tipunang-tubig ng Jerusalem. Ang tinatayang lokasyon ng tipunang-tubig ni Haring Hezekias na karugtong ng padaluyang ginawa niya para dalhin ang tubig ng bukal ng Gihon papunta sa Jerusalem ay ang Tipunang-tubig ng Siloam, ang kasalukuyang Birket Silwan na nasa TK ng Lunsod ni David. (2Ha 20:20; 2Cr 32:30) Lumilitaw na ang unang-siglong Tipunang-tubig ng Siloam (Ju 9:7) ay natagpuan malapit dito, mga 100 m (330 piye) sa TTS ng Birket Silwan.

  • Tipunang-tubig ng Batis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • May natagpuang mga guho ng isang lagusan, o kanal, na bumabagtas patungong T mula sa bukal ng Gihon. Sumusunod ito sa kurba ng pampang ng Kidron at ang dulo nito’y isang sinaunang imbakan ng tubig na tinatawag ngayong Birket el-Hamra. May mga seksiyon ng kanal na natatakpan ng malalapad na bato, ngunit waring may mga butas upang makalabas ang tubig para patubigan ang ilang bahagi ng libis. Palusong nang kaunti ang kanal at maaaring ito ang tinutukoy sa mga salitang “ang tubig ng Siloa na umaagos nang banayad.” (Isa 8:6) Ang lokasyon ng Birket el-Hamra ay tumutugma sa binanggit ni Nehemias na lokasyon ng Tipunang-tubig ng Batis, malapit sa Hardin ng Hari at sa Hagdanan na pababa mula sa T na dulo ng Lunsod ni David.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share