-
Hugis-kambing na DemonyoKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ayon kay Herodotus, ang paniniwala ng mga Griego kay Pan, isang diyos na may ilang bahagi ng katawan ng kambing, ay maaaring naimpluwensiyahan ng pagsamba ng mga Ehipsiyo sa kambing
Ayon kay Herodotus (II, 46), ang gayong pagsambang Ehipsiyo ang pinagbatayan ng mga Griego ng paniniwala nila kay Pan at pati sa mga satyr, mahahalay na diyos sa kagubatan, na nang maglaon ay inilarawan bilang may mga sungay, buntot ng kambing, at mga binti ng kambing. Ipinapalagay ng ilan na ang hitsura ng mga paganong diyos na ito, na kalahating tao at kalahating hayop, ang pinagmulan ng kaugaliang ilarawan si Satanas bilang may buntot, mga sungay, at mga paang may baak, isang kaugaliang laganap sa gitna ng mga nag-aangking Kristiyano noong Panahon ng Kadiliman.
-