-
AtenasKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang Atenas ay isa ring napakarelihiyosong lunsod, kung kaya nagkomento ang apostol na si Pablo na ang mga taga-Atenas ay ‘waring higit na matatakutin sa mga bathala kaysa sa iba.’ (Gaw 17:22) Ayon sa istoryador na si Josephus, ang mga taga-Atenas ang ‘pinakarelihiyoso sa mga Griego.’ (Against Apion, II, 130 [12]) Kontrolado ng Estado ang relihiyon at itinaguyod ito sa pamamagitan ng paggasta para sa mga pampublikong paghahain, mga ritwal, at mga prusisyon bilang parangal sa mga diyos. May mga idolo sa mga templo, mga liwasan, at mga lansangan, at ang mga tao ay palaging nananalangin sa mga diyos bago makibahagi sa kanilang intelektuwal na mga piging o mga simposyum, mga kapulungang pampulitika, at atletikong mga paligsahan. Upang huwag magalit ang alinman sa mga diyos, nagtayo pa nga ang mga taga-Atenas ng mga altar para “Sa Isang Di-kilalang Diyos,” isang gawaing binanggit ni Pablo sa Gawa 17:23. Pinatutunayan ito ng ikalawang-siglong heograpo na si Pausanias, na nagpaliwanag na samantalang naglalakbay siya sa daan mula sa daungan ng Phaleron Bay patungong Atenas (na marahil ay dinaanan din ni Pablo pagdating niya roon), napansin niya ang “mga altar ng mga diyos na tinatawag na Di-kilala, at ng mga bayani.”—Description of Greece, Attica, I, 4.
-
-
AtenasKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Nang panahong iyon, maraming magagandang gusaling pampubliko at mga templo ang itinayo roon, kabilang na ang Parthenon (ang templo ni Athena) at ang Erechtheum, na ang mga guho ay makikita pa rin sa taluktok ng Akropolis sa makabagong Atenas. Ang Parthenon ay napapalamutian ng 12-m (40 piye) estatuwa ni Athena na yari sa ginto at garing, at ito’y itinuring na pangunahing arkitektural na bantayog ng sinaunang relihiyong pagano.
Gayunman, ang materyal na kagandahang ito ay hindi nagdulot ng tunay na espirituwal na kapakinabangan sa mga taga-Atenas, sapagkat ang mismong mga diyos at diyosang pinararangalan nito ay inilalarawan sa Griegong mitolohiya bilang nagsasagawa ng bawat uri ng imoral at kriminal na gawain. Kaya naman noong mga araw ni Pablo, tinuligsa ng Griegong pilosopo na si Apolonio ang mga taga-Atenas dahil sa kanilang malalaswang sayaw sa Kapistahan ni Dionysus (Bacchus) at dahil sa pagkasabik nila sa pagbububo ng dugo ng tao sa mga paligsahan ng mga gladyador.
-
-
AtenasKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Samantalang nasa pamilihan, si Pablo ay hinamon ng mga pilosopong Estoico at Epicureo at pinaghinalaan na “isang tagapaghayag ng mga bathalang banyaga.” (Gaw 17:18) Maraming uri ng relihiyon sa Imperyo ng Roma, ngunit ipinagbawal ng batas Griego at Romano ang pagpapasok ng ibang mga diyos at bagong relihiyosong mga kaugalian, lalo na kapag ang mga ito ay salungat sa katutubong relihiyon. Maliwanag na napaharap si Pablo sa mga problema dahil sa kawalang-pagpaparaya sa relihiyon sa lunsod ng Filipos na naimpluwensiyahan ng Roma. (Gaw 16:19-24) Bagaman mas mapag-alinlangan at mapagparaya ang mga tumatahan sa Atenas kaysa sa mga taga-Filipos, lumilitaw na nababahala pa rin sila kung paano maaaring maapektuhan ng bagong turong ito ang seguridad ng estado.
-