Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Taba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang Batas May Kinalaman sa Taba. Sa ikatlong kabanata ng Levitico, tinagubilinan ni Jehova ang mga Israelita may kinalaman sa paggamit ng taba sa mga haing pansalu-salo. Kapag naghahain sila ng mga baka o mga kambing, ang taba na nasa palibot ng balakang at mga bituka at yaong nasa ibabaw ng mga bato, gayundin ang matatabang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay pauusukin nila sa ibabaw ng altar. May kinalaman naman sa mga tupa, kailangan ding ihandog ang buong matabang buntot. (Ang mga tupa sa Sirya, Palestina, Arabia, at Ehipto ay may matatabang buntot, kadalasan ay tumitimbang nang 5 kg [11 lb] o higit pa.) Espesipikong sinabi sa Kautusan, “Ang lahat ng taba ay kay Jehova . . . Huwag kayong kakain ng anumang taba o ng anumang dugo.”​—Lev 3:3-17.

      Ang taba ay nagliliyab nang husto at lubusang nasusunog sa ibabaw ng altar. Anumang taba na inihandog sa altar ay hindi iiwan hanggang sa kinaumagahan; malamang na mabubulok at babaho ito, anupat lubhang di-naangkop para sa alinmang bahagi ng mga sagradong handog.​—Exo 23:18.

  • Taba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang dahilan kung bakit ibinigay ang kautusang ito. Sa ilalim ng tipang Kautusan, kapuwa ang dugo at ang taba ay itinuturing na para lamang kay Jehova. Nasa dugo ang buhay, na si Jehova lamang ang makapagbibigay; samakatuwid, ito ay sa kaniya. (Lev 17:11, 14) Itinuring naman ang taba bilang ang pinakamainam na bahagi ng laman ng hayop. Ang paghahandog ng taba ng hayop ay maliwanag na isang pagkilala na ang pinakamaiinam na bahagi ay kay Jehova, na siyang naglalaan nang sagana, at ipinakikita nito ang pagnanais ng mananamba na ihandog sa Diyos ang pinakamainam. Palibhasa’y sumasagisag ito sa pag-uukol ng mga Israelita ng kanilang pinakamainam kay Jehova, sinasabing pinauusok ito sa ibabaw ng altar bilang “pagkain” at bilang “nakagiginhawang amoy” para sa kaniya. (Lev 3:11, 16) Kaya naman ang pagkain ng taba ay isang ilegal na paggamit ng bagay na pinabanal sa Diyos, anupat isang panghihimasok sa mga karapatan ni Jehova. Ang pagkain ng taba ay magdudulot ng parusang kamatayan. Gayunman, di-tulad ng dugo, ang taba ay maaaring gamitin para sa iba pang mga layunin, halimbawa ay ang taba ng isang hayop na basta na lamang namatay o pinatay ng ibang hayop.​—Lev 7:23-25.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share