-
Pinahiran, PagpapahidKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Noong mga panahon ng Bibliya, kapuwa ang mga Hebreo at ang ilang di-Hebreo ay nagpapahid ng langis sa kanilang mga tagapamahala sa seremonyal na paraan. Nagsisilbi itong katibayan na sila’y opisyal na itinalaga sa katungkulan. (Huk 9:8, 15; 1Sa 9:16; 2Sa 19:10) Pinahiran ni Samuel si Saul bilang hari matapos sabihin sa kaniya ng Diyos na si Saul ang Kaniyang napili. (1Sa 10:1) Pinahiran si David bilang hari sa tatlong iba’t ibang pagkakataon: ang una ay isinagawa ni Samuel, ang ikalawa ay ng mga lalaki ng Juda, at ang ikatlo ay ng lahat ng mga tribo. (1Sa 16:13; 2Sa 2:4; 5:3)
-
-
Pinahiran, PagpapahidKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
May mga kaso rin na ang isang tao ay itinuring na pinahiran dahil inatasan siya ng Diyos, bagaman hindi siya binuhusan ng langis sa ulo. Ipinakita ang tuntuning ito noong sabihan ni Jehova si Elias na pahiran si Hazael bilang hari sa Sirya, si Jehu bilang hari sa Israel, at si Eliseo bilang propeta na kahalili ni Elias. (1Ha 19:15, 16) Nang dakong huli ay iniulat ng rekord ng Kasulatan na isa sa mga anak ng mga propetang kasamahan ni Eliseo ang nagpahid ng literal na langis kay Jehu upang maging hari sa Israel. (2Ha 9:1-6) Ngunit walang ulat na may sinumang nagpahid ng langis kay Hazael o kay Eliseo.
-
-
Pinahiran, PagpapahidKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Isa pang halimbawa nito ang Persianong hari na si Ciro, na inihula ni Isaias na gagamitin ni Jehova bilang Kaniyang pinahiran. (Isa 45:1) Si Ciro ay hindi naman aktuwal na pinahiran ng langis ng isa sa mga kinatawan ni Jehova, ngunit dahil inatasan siya ni Jehova ng isang partikular na gawain, masasabing siya ay pinahiran.
-