-
Anak, BataKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sabihin pa, mga ama ang pangunahing may pananagutan na magturo sa bata ng Kasulatan mula sa pagkasanggol, at tinutulungan naman siya ng ina. (Deu 6:7; Kaw 1:8; Efe 6:4; 2Ti 3:15) Habang lumalaki ang mga bata, binibigyan sila ng kanilang ama ng praktikal na pagsasanay sa agrikultura, pag-aalaga ng mga hayop, o sa isang hanapbuhay gaya ng pagkakarpintero. Sina Jose at David ay naging mga pastol noong sila’y bata pa.—Gen 37:2; 1Sa 16:11.
-
-
Anak, BataKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Mga magulang ang may pananagutan sa edukasyon at pagsasanay sa kanilang mga anak, anupat sila mismo ang naging mga tagapagturo at mga gabay, kapuwa sa salita at sa halimbawa. Ganito ang programa ng edukasyon: (1) Itinuturo ang pagkatakot kay Jehova. (Aw 34:11; Kaw 9:10) (2) Ang anak ay pinaaalalahanang parangalan ang kaniyang ama at ina. (Exo 20:12; Lev 19:3; Deu 27:16) (3) Ang disiplina o tagubilin sa Kautusan, ang mga utos at mga turo nito, at ang pagtuturo hinggil sa mga gawa at isiniwalat na katotohanan ni Jehova ay masikap na ikinikintal sa murang isipan ng mga anak. (Deu 4:5, 9; 6:7-21; Aw 78:5) (4) Idiniriin ang paggalang sa mga nakatatanda. (Lev 19:32) (5) Ang kahalagahan ng pagsunod ay itinitimo sa isipan ng kabataan. (Kaw 4:1; 19:20; 23:22-25) (6) Binibigyang-diin ang praktikal na pagsasanay para sa pamumuhay bilang adulto; ang mga batang babae ay tinuturuan ng mga gawain sa bahay, at ang mga batang lalaki ay tinuturuan ng hanapbuhay ng ama o ng iba pang hanapbuhay. (7) Itinuturo ang pagbasa at pagsulat.
-