Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Herodes
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ngunit sa isa sa mga paglalakbay niya patungong Roma, dinalaw ni Antipas ang kaniyang kapatid sa ama na si Herodes Felipe, ang anak nina Herodes na Dakila at Mariamne II (hindi si Felipe na tetrarka). Noong pagdalaw na iyon, nagkagusto siya sa asawa ni Felipe na si Herodias, na ambisyosa sa posisyon. Isinama niya ito sa Galilea at kinuha bilang asawa, anupat diniborsiyo ang anak ni Aretas at pinauwi iyon sa tahanan nito.

  • Herodes
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang mapangalunyang kaugnayan ni Herodes Antipas kay Herodias ang naging dahilan ng pagsaway sa kaniya ni Juan na Tagapagbautismo. Angkop lamang na ituwid ni Juan si Antipas sa bagay na ito, sapagkat si Antipas ay nag-aangking isang Judio at sa gayo’y nasa ilalim ng Kautusan. Inilagay ni Antipas si Juan sa bilangguan, anupat nais itong patayin, ngunit natatakot siya sa mga tao, na naniniwalang si Juan ay isang propeta. Gayunpaman, noong minsang magdiwang ng kaarawan ni Antipas, labis siyang napalugdan ng anak na babae ni Herodias anupat sumumpa siyang ibigay rito ang anumang hingin nito. Inutusan ni Herodias ang kaniyang anak na hingin ang ulo ni Juan.

  • Herodes
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ipinatapon sa Gaul. Nang si Agripa I ay gawing hari ni Gayo Cesar (Caligula) sa tetrarkiya ni Felipe, sinumbatan ng asawa ni Antipas na si Herodias ang kaniyang asawa, anupat sinabing dahil lamang sa kakuparan nito kung kaya hindi ito tumanggap ng pagkahari. Iginiit niya na yamang si Antipas ay isa nang tetrarka, gayong kung ihahambing ay dating walang katungkulan si Agripa, dapat itong pumaroon sa Roma at hilingin kay Cesar na maging isang hari. Nang maglaon ay pumayag ito dahil sa patuloy na panggigipit ng kaniyang asawa. Ngunit ikinagalit ni Caligula ang ambisyosong kahilingan ni Antipas at, palibhasa’y naniwala siya sa mga akusasyon ni Agripa, ipinatapon niya si Antipas sa Gaul (ang lunsod ng Lyons, Pransiya); nang dakong huli ay namatay ito sa Espanya. Si Herodias, bagaman maaari sana siyang makaiwas sa kaparusahan dahil kapatid siya ni Agripa, ay sumama sa kaniyang asawa, malamang na dahil sa amor propio. Ang tetrarkiya ni Antipas at, matapos siyang ipatapon, ang kaniyang salapi, gayundin ang mga ari-arian ni Herodias, ay ibinigay kay Agripa I. Sa gayon si Herodias ang dahilan ng dalawang malalaking kasawian ni Antipas: ang muntik na niyang pagkatalo sa kamay ni Haring Aretas at ang pagpapatapon sa kaniya.

  • Herodes
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Palibhasa’y naiinggit si Herodias sa posisyon ng kaniyang kapatid bilang hari, hinikayat niya ang kaniyang asawang si Herodes Antipas, na isa lamang tetrarka, na humiling ng isang kaharian sa bagong emperador sa Roma. Ngunit siniraan ni Agripa si Antipas. Iniharap niya kay Gayo (Caligula) ang mga paratang na si Antipas ay nakipag-alyansa kay Sejanus na nakipagsabuwatan laban kay Tiberio at gayundin sa mga Parto, na hindi naman maikaila ni Antipas. Naging dahilan ito upang maipatapon si Antipas. Ang mga teritoryo ni Antipas, ang Galilea at Perea, ay idinagdag sa kaharian ni Agripa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share