Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Bulusan”
  • Bulusan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bulusan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa mga Bote Tungo sa Magagandang Abaloryo
    Gumising!—1995
  • Pagdadalisay, Tagapagdalisay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Hurno
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hindi Siya Mapahinto sa Pangangaral Kahit ng Isang “Iron Lung”
    Gumising!—1993
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Bulusan”

BULUSAN

Isang kagamitan na napaaalsa at napaiimpis; una ay humihigop ito ng hangin mula sa isang balbula, pagkatapos ay ibinubuga iyon papalabas sa isang tubo. Bilang pambuga ng hangin sa mga hurno, mas epektibo ang mga bulusan kaysa sa pagpapaypay lamang, o kaysa sa sinaunang hinihipang mga tambo at mga tubo na ginagamit din sa ganitong layunin. Simple lamang ang kayarian ng mga bulusan: Isang supot na nakakabit sa isang kaha o patungan ang idinurugtong sa isang tubo na patungo sa hurno, anupat ang tubo ay maaaring yari sa bakal o maaaring isang tambo na ang dulo ay binalutan ng luwad na di-tinatablan ng apoy. Ang mga bulusang manu-mano ay ginagamit sa maliliit na pandayan, ngunit sa malalaking hurno na may mataas na temperatura, mga tambalang bulusan na pinaaandar ng mga paa ang ginagamit. Ang mga ito ay tinutuntungan ng tig-isang paa ng nagpapatakbo at halinhinan niyang pinapadyakan, anupat sa bawat padyak ay nahihila niya ang isang kurdon upang mapuno ng hangin ang isa na umimpis na. Upang maging patuluyan ang buga ng hangin sa malalaking hurnong ito, dalawang lalaki ang nagpapaandar ng dalawang pares ng bulusan. Ang salitang Hebreo para sa bulusan ay map·puʹach, na nagmula sa salitang-ugat na na·phachʹ, nangangahulugang “humihip.” (Gen 2:7) Ang instrumentong ito ay minsan lamang binanggit nang espesipiko sa Kasulatan (Jer 6:29), bagaman marahil ay ipinahihiwatig ito sa Isaias 54:16 at Ezekiel 22:20, 21. Sa mga tekstong iyan ay makasagisag ang paraan ng pagtukoy, at ang mga ilustrasyon ay hinalaw sa mga pamamaraang ginagamit sa pagdadalisay ng mga metal.​—Tingnan ang PAGDADALISAY, TAGAPAGDALISAY.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share