Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Absalom
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Samantalang umaahon siya sa Bundok ng mga Olibo, nakatapak, may takip sa ulo, at tumatangis, sinalubong siya ni Husai, ang “kaibigan” ng hari, na isinugo rin niya sa Jerusalem upang biguin ang payo ni Ahitopel. (2Sa 15:13-37)

  • Absalom
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nang masakop ni Absalom ang Jerusalem at ang palasyo, tinanggap niya ang pakunwaring paglipat ni Husai sa kaniyang panig pagkatapos na banggitin muna nang may panunuya na si Husai ay tapat na “kaibigan” ni David. Pagkatapos, bilang pagsunod sa payo ni Ahitopel, hayagang sinipingan ni Absalom ang mga babae ng kaniyang ama bilang katunayan ng lubusang paghiwalay niya kay David at ng kaniyang di-matitinag na kapasiyahan na angkinin ang trono. (2Sa 16:15-23) Sa ganitong paraan ay natupad ang huling bahagi ng kinasihang hula ni Natan.​—2Sa 12:11.

      Hinimok naman ngayon ni Ahitopel si Absalom na bigyan siya ng awtoridad na pangunahan ang isang hukbo laban kay David sa mismong gabing iyon upang magapi na si David bago makapag-organisa ang mga hukbo nito. Bagaman nagustuhan ni Absalom ang payo, naisip pa rin niya na mabuting marinig niya ang opinyon ni Husai. Yamang batid ni Husai na kailangan ni David ng panahon, nagbigay siya ng isang matingkad na paglalarawan na ibinagay niya sa kawalan ni Absalom ng tunay na lakas ng loob (na hanggang sa panahong iyon ay mas kinakitaan ng pagmamataas at katusuhan kaysa ng kagitingan ng isang tunay na lalaki), at na makaaakit dito dahil sa kaniyang kapalaluan. Inirekomenda ni Husai na magtipon muna sila ng isang napakalaking hukbo na pangungunahan mismo ni Absalom. Sa patnubay ni Jehova, tinanggap ang payo ni Husai. Maliwanag na dahil nababatid ni Ahitopel na mabibigo ang paghihimagsik ni Absalom, siya ay nagpatiwakal.​—2Sa 17:1-14, 23.

      Bilang pag-iingat, si Husai ay nagpadala ng mensahe kay David hinggil sa payo ni Ahitopel, at sa kabila ng mga pagsisikap ni Absalom na mahuli ang lihim na mga sugo, natanggap ni David ang babala at tumawid siya sa Jordan at umahon sa mga burol ng Gilead patungong Mahanaim (na dating kinaroroonan ng kabisera ni Is-boset).

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share