-
CusKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang “Lupain ng Cus.” Hindi matiyak ang lokasyon ng “lupain ng Cus” na tinukoy sa Genesis 2:13 bilang ang lupaing napalilibutan noong una ng ilog ng Gihon, isa sa apat na sanga ng “ilog na lumalabas mula sa Eden.” (Gen 2:10) Sa tekstong ito, isinalin ng mga tagapagsalin ng Septuagint ang salitang Hebreo para sa “Cus” sa pamamagitan ng pangalang Griego na Etiopia. Ang pangalang Cus ay halos naging singkahulugan ng sinaunang Etiopia noong maagang bahagi ng panahon, gayunma’y hindi tahasang masasabi na talagang kumakapit ito sa Genesis 2:13. Iniugnay ni Josephus ang Ilog Gihon sa Nilo, anupat sinunod niya ang salin ng Septuagint. (Jewish Antiquities, I, 39 [i, 3]) Gayunman, ang pagkakaroon ng Gihon at ng mga ilog ng Eufrates at ng Tigris ng iisang pinagmumulan ay talagang hindi nagpapahintulot sa gayong pag-uugnay, malibang ipalagay na ang pangglobong Delubyo ay nagdulot ng napakalalaking pagbabago sa topograpiya ng lugar na iyon.
-
-
CusKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
May iba pa rin na nagmumungkahi na ang “lupain ng Cus” na napalilibutan ng Gihon ay nasa Peninsula ng Arabia, yamang ang pangalang “Cusan” ay ginagamit bilang katumbas ng “lupain ng Midian” sa Habakuk 3:7, anupat ang Midian sa kabuuan ay nasa kapaligiran ng Gulpo ng ʽAqaba.
-