Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Olibo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Paghuhugpong. Ang mga ligáw na punong olibo na tumutubo sa mga gilid ng burol ay kadalasang hinuhugpungan ng mga pasanga mula sa mga alagang mabungang puno upang magluwal ang mga ito ng mabuting bunga. Parang hindi karaniwan, at hindi pa nga natural, na ihugpong ang ligáw na sanga sa isang alagang puno; pero ginagawa ito ng ilang magsasaka noong unang siglo. Tinukoy ni Pablo ang di-pangkaraniwang pamamaraang ito sa kaniyang ilustrasyon sa Roma 11:17-24, kung saan inihalintulad niya ang mga Kristiyanong Gentil na naging bahagi ng “binhi ni Abraham” sa mga sanga ng isang ligáw na punong olibo na inihugpong sa isang alagang puno upang halinhan ang di-mabungang mga sanga na pinutol at kumakatawan sa likas na mga miyembrong Judio na itinakwil at inalis mula sa makasagisag na puno dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya. (Gal 3:28, 29) Pinatitingkad ng pagkilos na ito, na “salungat sa kalikasan,” ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos sa gayong mga mananampalatayang Gentil at idiniriin nito ang mga pakinabang na natatamo nila bilang mga sanga ng “isang ligáw na olibo” nang tanggapin nila ang “katabaan” ng mga ugat ng alagang olibo, sa gayon ay inaalis nito ang anumang saligan upang maghambog ang mga Kristiyanong Gentil na ito.​—Ihambing ang Mat 3:10; Ju 15:1-10; tingnan ang PAGHUHUGPONG.

  • Olibo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Makasagisag na Paggamit. Ang punong olibo ay ginagamit sa Bibliya sa makasagisag na paraan bilang simbolo ng pagiging mabunga, kagandahan, at dangal. (Aw 52:8; Jer 11:16; Os 14:6) Ang mga sanga nito ay isa sa mga ginagamit kapag Kapistahan ng mga Kubol. (Ne 8:15; Lev 23:40) Sa Zacarias 4:3, 11-14 at Apocalipsis 11:3, 4, ginagamit ang mga punong olibo bilang sagisag ng mga pinahiran at mga saksi ng Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share