Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sara
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Di-nagtagal pagkatapos nito, sa Mamre, muling tiniyak ng isa sa tatlong panauhing anghel na si Sara ay magsisilang ng isang anak na lalaki. Nang maulinigan ito, “si Sara ay nagsimulang tumawa sa loob niya, na nagsasabi: ‘Pagkatapos na ako ay maging lipas na, talaga kayang magkakaroon ako ng kaluguran, bukod pa sa matanda na ang aking panginoon?’⁠” Nang sawayin dahil sa pagtatawa, takót na ikinaila ni Sara na ginawa niya iyon. (Gen 18:1-15; Ro 9:9) Yamang binabanggit si Sara sa Hebreo 11:11 bilang halimbawa ng pananampalataya, maliwanag na ang kaniyang pagtawa ay hindi nangangahulugan na talagang hindi siya naniniwala sa sinabi kundi nagpapahiwatig lamang na ang isiping magkakaanak siya sa kaniyang katandaan ay nakakatawa para sa kaniya. Ang (panloob na) pagkilala ni Sara kay Abraham bilang kaniyang panginoon ay nagpapakita ng kaniyang pagsunod at pagpapasakop sa kaniyang ulong asawang lalaki, at ang kaniyang halimbawa ay inirerekomenda sa mga Kristiyanong asawang babae.​—1Pe 3:5, 6.

  • Sara
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa edad na 90, tinamasa ni Sara ang kagalakan na isilang si Isaac. Noon ay ibinulalas niya: “Ang Diyos ay naghanda ng katatawanan sa akin: pagtatawanan ako ng lahat ng makaririnig niyaon.” Maliwanag na ang gayong pagtawa ay udyok ng kasiyahan at pagkamangha sa pagsilang ng bata.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share