-
AsiryaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Si Salmaneser V. Si Salmaneser V ang humalili kay Tiglat-pileser III. Si Hosea (mga 758-740 B.C.E.), na umagaw sa trono ng Israel, ay umayon noong una na patawan siya ng Asirya ng tributo. Nang maglaon ay nakipagsabuwatan siya sa Ehipto upang mapalaya ang Israel mula sa pamatok ng Asirya, at sinimulan ni Salmaneser ang tatlong-taóng pagkubkob sa lunsod ng Samaria na humantong sa pagbagsak nito (740 B.C.E.) at ng pagkatapon ng Israel. (2Ha 17:1-6; 18:9-11; Os 7:11; 8:7-10) Karamihan sa mga reperensiyang akda ay nagsasabi na namatay si Salmaneser bago matapos ang pananakop sa Samaria at na si Sargon II ang naghahari noong panahong bumagsak ang lunsod.—Gayunman, tingnan ang SALMANESER Blg. 2; SARGON.
Si Sargon II. Ang mga rekord ni Sargon ay may binabanggit na pagpapatapon ng 27,290 Israelita sa mga lugar na nasa Mataas na Eufrates at Media. Inilalarawan din doon ang kaniyang kampanya sa Filistia kung saan nalupig niya ang Gat, Asdod, at Asdudimmu. Noong panahon ng kampanyang ito, tinagubilinan ang propetang si Isaias na magbabala tungkol sa kawalang-saysay ng pagtitiwala sa Ehipto o Etiopia bilang pananggalang laban sa sumasalakay na Asiryano. (Isa 20:1-6) Marahil ay noong panahon ng paghahari ni Sargon unang dinala sa Samaria ang mga taong mula sa Babilonya at Sirya upang muli itong panirahan, at nang maglaon ay nagsugo ang haring Asiryano ng isang saserdoteng Israelita mula sa pagkatapon upang turuan sila sa “relihiyon ng Diyos ng lupain.”—2Ha 17:24-28; tingnan ang SAMARIA Blg. 2; SAMARITANO.
-
-
AsiryaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Batay sa Ezra 4:2, lumilitaw na patuloy pa rin ang pagpapaalis at pagdadala ng mga tao sa hilagang kaharian ng Israel noong mga araw ni Esar-hadon, anupat maaaring ito ang dahilan kung bakit may binanggit na “animnapu’t limang taon” sa hula sa Isaias 7:8.—Tingnan ang AHAZ Blg. 1; ESAR-HADON.
-