-
KronolohiyaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Si Ezekiel ay hihiga sa kaniyang kaliwang tagiliran sa loob ng 390 araw upang ‘dalhin ang kamalian ng sambahayan ng Israel,’ at sa kaniyang kanang tagiliran naman sa loob ng 40 araw upang ‘dalhin ang kamalian ng sambahayan ni Juda,’ at bawat araw ay ipinakitang kumakatawan sa isang taon. Maliwanag na ang dalawang yugto (390 taon at 40 taon) na inilarawan sa gayong paraan ay kumakatawan sa haba ng pagtitimpi ni Jehova sa dalawang kaharian dahil sa idolatrosong landasin ng mga ito. Gaya ng ipinakikita sa Soncino Books of the Bible (komentaryo sa Ezekiel, p. 20, 21), ganito ang pagkaunawa ng mga Judio sa hulang ito: “Ang pagkakasala ng Hilagang Kaharian ay sumaklaw sa isang yugto na 390 taon ([ayon sa] Seder Olam [ang pinakamaagang kronika na naingatan sa wikang Hebreo pagkaraan ng pagkatapon], [at sa mga Rabbi na sina] Rashi at Ibn Ezra). Kinalkula ni Abarbanel, na sinipi ni Malbim, ang yugto ng pagkakasala ng Samaria bilang mula noong panahon ng pagkakahati sa ilalim ni Rehoboam . . . hanggang sa pagbagsak ng Jerusalem
-
-
KronolohiyaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
pagbagsak ng Jerusalem noong 607 B.C.E. ay 390 taon. Bagaman totoo na ang Samaria, na kabisera ng hilagang kaharian, ay bumagsak na sa Asirya noong 740 B.C.E., nang ikaanim na taon ni Hezekias (2Ha 18:9, 10), malamang na may ilang bahagi ng populasyon na tumakas patungo sa timugang kaharian bago dumating ang mga Asiryano. (Pansinin din ang situwasyon sa Juda pagkatapos na mahati ang kaharian gaya ng inilalarawan sa 2Cr 10:16, 17.)
-