Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Kahariang Nakapalibot sa Israel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Mga Kahariang Nakapalibot sa Israel

      SAMANTALANG tumatahan sa kanilang bigay-Diyos na lupain, nasumpungan ng bansang Israel na napalilibutan sila ng mga bansang sumasamba sa huwad na mga diyos. Lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto, kung saan ang mga hayop ay ginagawang diyos. Nasa dakong silangan at timog-silangan nila ang Ammon, Moab, at Edom​—malalayong kamag-anak ng mga Israelita ngunit mga mananamba sa idolo. Ang politeistikong mga Filisteo ay naninirahan sa baybaying kapatagan sa dakong kanluran. Nasa hilaga ng Israel sa kahabaan ng baybayin ang mga taga-Fenicia, na sa kanilang mga relihiyosong gawain ay kabilang ang sodomiya, bestiyalidad, at paghahain ng mga anak. At tampok sa relihiyon ng mga Siryano ang hubad na wangis ng mga diyosa na ang mga posisyon ay nagpapatingkad sa kanilang seksuwalidad. Upang patuloy na maging kaayaaya kay Jehova, ang Israel ay kailangang manatiling hiwalay sa mga bansang nasa palibot nila.

      Bilang pag-iingat sa Israel, ibinigay ni Jehova sa kanila ang Kautusang Mosaiko, na naging isang ‘pader na naghihiwalay’ upang ibukod sila mula sa nakapalibot na mga bansa. (Efe 2:14) Hindi sila dapat makipag-alyansa sa gayong mga bansa, makipag-asawa sa kanila, o tumulad sa kanilang mga relihiyosong gawain. (2Cr 16:7; 2Ha 17:13-15) Hangga’t sinusunod ng Israel ang mga kautusang ito, nanatili silang isang banal na bayan.

  • Mga Kahariang Nakapalibot sa Israel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • NAKAPALIBOT NA MGA BANSA Lakip ang Kaugnay na mga Kasulatan

      Ammon

      Huk 10:6-9; 1Ha 11:5

      Edom

      2Cr 25:14, 15

      Fenicia

      1Ha 11:1,2,5; 16:30, 31

      Filistia

      Huk 10:6; 16:23; 2Ha 1:2

      Moab

      Bil 22:4-7; 25:1-3; 2Ha 3:26, 27

      Sirya

      Huk 10:6; 2Cr 28:20-23

      [Mapa sa pahina 945]

      MAPA: Mga Kahariang Nakapalibot sa Israel

      [Larawan sa pahina 946]

      Ang mga Moabita ay nanirahan sa baku-bakong teritoryo sa silangan ng Dagat na Patay

      [Larawan sa pahina 946]

      Sa Batong Moabita, ipinaghahambog ni Haring Mesa ang kaniyang diyos na si Kemos at winawalang-galang si Jehova

      [Larawan sa pahina 946]

      Si Anubis, ang Ehipsiyong diyos na may ulo ng chakal, habang inihahanda nito ang isang momya. Kabilang sa mga diyos ng Ehipto ang hamak na mga tao, mga ibon, at mga hayop

      [Mga larawan sa pahina 946]

      Ang mga taga-Fenicia, na nanirahan sa lupaing ito sa silangang baybayin ng Mediteraneo, ay sumamba sa mga diyos gaya ng isa na ipinakikita rito na nakatuntong sa isang leon

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share