Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Garison”
  • Garison

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Garison
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Panahon ni David
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • David
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Filistia, Filisteo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Garison”

GARISON

Ang terminong Hebreo na netsivʹ ay maaaring tumukoy sa isang medyo permanenteng pangkat ng mga kawal na nakahimpil sa isang kampong militar. Ang kaugnay na salitang Hebreo na mats·tsavʹ (himpilan) ay may katulad na ideya.​—1Sa 13:23; 14:1, 4, 6, 11, 12, 15; 2Sa 23:14.

Noong panahon ng mga paghahari ni Saul at ni David, may mga garison ng mga Filisteo sa teritoryo ng Israel. (1Sa 10:5; 13:3, 4; 1Cr 11:16) Pagkatapos na matalo ni David ang Sirya at ang Edom, nagpanatili siya ng mga garison sa teritoryo ng mga ito upang mahadlangan ang paghihimagsik. (2Sa 8:6, 14; 1Cr 18:13) Para sa kapayapaan at katiwasayan ng lupain, naglagay si Jehosapat ng mga garison sa Juda at sa mga lunsod ng Efraim na nabihag ni Asa. (2Cr 17:1, 2) Malaki ang naitulong ng pagkakaroon ng gayong pangkat ng militar upang mapanatili ang kaayusan at maipagsanggalang ang mga interes ng hari sa mga teritoryo na doo’y malamang na maghimagsik ang mga katutubo.

Noong unang siglo C.E., isang garison ng mga Romano ang pinanatili sa Jerusalem. Ang kanilang kuwartel ay nasa mataas na Tore ng Antonia na karatig ng bakuran ng templo. Nang kaladkarin si Pablo ng isang pulutong ng mga Judio sa labas ng templo at tangkain nilang patayin siya, mabilis na nakababa ang mga kawal na nasa garison anupat nailigtas siya. (Gaw 21:31, 32) Kapag mga kapanahunan ng kapistahang Judio, nagdadala roon ng karagdagang mga kawal upang palakasin ang garisong ito.​—Tingnan ang ANTONIA, TORE NG.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share