Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Raquel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Si Raquel, isang babaing “maganda ang anyo at maganda ang mukha,” ay naglilingkod noon bilang isang babaing pastol para sa kaniyang ama; nakilala niya si Jacob sa tabi ng isang balon malapit sa Haran. Si Jacob ay tinanggap sa sambahayan ng kaniyang tiyo at pagkaraan ng isang buwan ay sumang-ayon siyang maglingkod kay Laban nang pitong taon upang mapangasawa si Raquel, na noon ay iniibig na niya. Hindi lumamig ang kaniyang pag-ibig sa loob ng pitong taóng iyon, anupat iyon ay ‘naging tulad ng ilang araw lamang’ sa kaniya. Ngunit noong gabi ng kasal, inihalili ng kaniyang tiyo ang nakatatandang anak nito na si Lea, na maliwanag na nakipagtulungan sa pandarayang iyon. Kinaumagahan, nang akusahan ni Jacob si Laban ng panlilinlang, itinawag-pansin ni Laban ang lokal na kaugalian upang ipagdahilan ang kaniyang ginawa. Sumang-ayon si Jacob na tuparin ang isang buong sanlinggo ng kasal sa piling ni Lea bago niya tanggapin si Raquel at pagkatapos nito ay magtatrabaho siya ng pitong taon pa para kay Laban.​—Gen 29:4-28.

      Hindi binigo ni Raquel si Jacob bilang asawa nito, at higit siyang inibig ni Jacob kaysa kay Lea.

  • Raquel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Noong salubungin siya ng kaniyang kapatid na si Esau, ipinakita ni Jacob na paborito pa rin niya si Raquel nang ilagay niya ito at ang kaisa-isang anak nito sa pinakahulihan ng pangkat, yamang tiyak na inisip niya na ito ang pinakaligtas na posisyon sakaling sumalakay si Esau. (Gen 33:1-3, 7)

  • Raquel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Anuman ang kaniyang mga kahinaan, lubha siyang minahal ni Jacob, na maging sa katandaan nito ay itinuring si Raquel bilang ang kaniyang tunay na asawa at itinangi ang mga anak ni Raquel nang higit sa lahat ng iba pa niyang anak. (Gen 44:20, 27-29) Ang mga salita ni Jacob kay Jose bago siya mamatay, bagaman simple lamang, ay nagpahayag ng sidhi ng pagmamahal niya kay Raquel. (Gen 48:1-7)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share