Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Habag
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Kayang pakilusin ng Diyos na Jehova ang mga tao na magpakita ng habag. Dahil dito, angkop na maidadalangin ni Haring Solomon na pangyarihin nawa ni Jehova na kahabagan ang mga Israelita ng kanilang mga mambibihag sakaling maging mga bihag sila dahil sa kawalang-katapatan. (1Ha 8:50) Hinggil sa sagot sa kahilingang ito, ang kinasihang salmista ay sumulat: “Ipinagkakaloob niyang sila ay kahabagan sa harap ng lahat niyaong mga humahawak sa kanila bilang bihag.” (Aw 106:46) Kaya nang maglaon, isinauli ni Jehova ang mga nagsisising nalabi sa kanilang lupain. (Jer 33:26; Ezr 1:1-4) At kaayon ng kalooban ni Jehova, pinahintulutan ni Haring Artajerjes si Nehemias na muling itayo ang lunsod ng Jerusalem.​—Ne 1:11–2:6.

  • Habag
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Maaaring tularan ng mga alagad ni Jesu-Kristo ang halimbawa niya at ng kaniyang Ama sa pamamagitan ng kusang-loob na pagtulong sa mga napipighati at sa pagtanggap sa lahat ng taimtim na nagsisisi sa kanilang kasalanan at buong-pusong nanunumbalik kay Jehova. (Mat 18:21-35; Luc 10:30-37; 15:11-32) Sa gayon ay makatitiyak sila na patuloy silang kahahabagan ng Makapangyarihan-sa-lahat.​—Mat 5:7.

  • Habag
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang pinakamahusay na halimbawa sa pagpapakita ng habag ay si Jehova mismo. Malinaw na makikita ito sa kaniyang mga pakikitungo sa mga Israelita. Hindi lamang siya lubhang nahabag sa kanila noong napipighati sila sa Ehipto kundi iniligtas niya sila mula sa kamay ng mga sumisiil sa kanila at maibigin niya silang inalagaan sa ilang. (Isa 63:7-9) Sa kabila ng paulit-ulit nilang paglihis tungo sa kawalang-katapatan noong namamayan na sila sa Lupang Pangako, paulit-ulit din niya silang iniligtas mula sa kamay ng kanilang mga kaaway, anupat tinutugon ang kanilang paghingi ng saklolo.​—Huk 2:11-19.

      Gayunman, umabot ang mga Israelita sa punto na imposible na silang magsisi. Nagsagawa sila ng idolatriya nang malawakan, anupat nagpasok pa nga sila ng mga idolo sa santuwaryo ni Jehova at dinungisan nila ito. Patuloy na nilibak ng bayan ang mga propeta at hinamak ang salita ni Jehova. Hindi na sila maaaring kahabagan ng Kataas-taasan. Kaya pinabayaan niya sila sa mga kamay ni Haring Nabucodonosor, anupat tinupad ang kahatulang ipinatalastas nang patiuna sa pamamagitan ng mga propeta.​—2Cr 36:15-17; Jer 13:14; 21:7; Eze 5:11; 8:17, 18.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share