Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patiunang Kaalaman, Patiunang Pagtatalaga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang pangmalas na walang limitasyon ang patiunang pag-alam ng Diyos sa mga bagay-bagay at na patiuna niyang itinatalaga ang landasin at kahihinatnan ng lahat ng indibiduwal ay tinatawag na pagtatadhana. Ikinakatuwiran ng mga tagapagtaguyod nito na yamang ang Diyos ay kataas-taasan at sakdal, dapat ay alam niya ang lahat ng bagay, hindi lamang ang nakaraan at ang kasalukuyan kundi pati ang hinaharap. Ayon sa konseptong ito, hindi sakdal ang Diyos kung hindi niya patiunang nalalaman ang lahat ng bagay hanggang sa kaliit-liitang detalye.

  • Patiunang Kaalaman, Patiunang Pagtatalaga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa katunayan, ang pagsasabing hindi sakdal ang Diyos kung hindi niya alam ang lahat ng detalye ng lahat ng mga pangyayari at mga kalagayan sa hinaharap ay personal na opinyon lamang hinggil sa kasakdalan. Ang kasakdalan, sa tamang kahulugan nito, ay hindi humihiling ng gayong lubus-lubusan at napakalawak na pagkakapit, yamang ang kasakdalan ng anumang bagay ay aktuwal na nakadepende sa ganap na pag-abot nito sa mga pamantayan ng kahusayan na itinakda ng isa na kuwalipikadong humatol dito. (Tingnan ang KASAKDALAN.) Sa katapus-tapusan, ang sariling kalooban at kaluguran ng Diyos, hindi ang mga opinyon o mga konsepto ng tao, ang mga salik na dapat pagbatayan kung sakdal ang isang bagay.​—Deu 32:4; 2Sa 22:31; Isa 46:10.

      Bilang paglalarawan, walang alinlangang ang kapangyarihan ng Diyos ay sakdal at walang limitasyon. (1Cr 29:11, 12; Job 36:22; 37:23) Ngunit bagaman sakdal siya sa kalakasan, hindi ito nangangahulugan na sa lahat ng pagkakataon ay gagamitin niya nang lubus-lubusan ang kaniyang kapangyarihan. Maliwanag na hindi iyon ginagawa ng Diyos; kung ginawa niya iyon noon, malamang na hindi lamang ilang sinaunang lunsod at ilang bansa ang napuksa, kundi baka pati ang lupa at ang lahat ng naririto ay matagal nang napawi dahil sa mga paglalapat ng Diyos ng kahatulan, na may kalakip na makapangyarihang mga pagpapamalas ng di-pagsang-ayon at poot, gaya noong Baha at sa iba pang mga pagkakataon. (Gen 6:5-8; 19:23-25, 29; ihambing ang Exo 9:13-16; Jer 30:23, 24.) Samakatuwid, ang paggamit ng Diyos ng kaniyang kapangyarihan ay hindi walang patumangga kundi palagi itong inuugitan ng kaniyang layunin at tinitimbangan ng kaniyang awa kapag may saligan para roon.​—Ne 9:31; Aw 78:38, 39; Jer 30:11; Pan 3:22; Eze 20:17.

      Sa katulad na paraan, kung ipapasiya ng Diyos, sa partikular na mga kaso, na gamitin ang kaniyang walang-limitasyong kakayahan na patiunang alamin ang mga bagay-bagay sa paraang mapamili at sa antas na ikinalulugod niya, tiyak na walang tao o anghel ang may-kawastuang makapagsasabi: “Ano ang iyong ginagawa?” (Job 9:12; Isa 45:9; Dan 4:35) Samakatuwid, ang isyu ay hindi ang kakayahan, o kung ano ang kaya ng Diyos na patiunang tingnan, patiunang alamin, at patiunang italaga, sapagkat “sa Diyos ay posible ang lahat ng mga bagay.” (Mat 19:26) Ang isyu ay kung ano ang minamarapat ng Diyos na patiunang tingnan, patiunang alamin, at patiunang italaga, sapagkat “ang lahat ng kinalugdan niyang gawin ay kaniyang ginawa.”​—Aw 115:3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share