-
Ang Banal na PangalanKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Subalit nakapagtataka, wala sa maraming salin ng Bibliya sa ngayon ang banal na pangalan. Bakit? Nagkaroon ng pamahiin ang mga Judio na hindi dapat bigkasin ang pangalang iyon. Sa pasimula ay iniwasan lang ng mga Judio ang pagbigkas sa banal na pangalan, ngunit nang maglaon ay inalis na rin ang personal na pangalan ng Diyos mula sa mga manuskritong Griego ng Banal na Kasulatan. Nang bandang huli, ang banal na pangalan ay tuluyan nang hinalinhan ng mga terminong gaya ng “Panginoon” at “Diyos” sa karamihan ng mga salin ng Bibliya. Kapansin-pansin na tanging ang pinakamahalagang pangalan sa lahat—Jehova—ang pinakialaman; ang ibang mga pangalan sa Bibliya ay hindi naman binago.
-