Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Langit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • “Mga langit ng mga langit.” Ipinapalagay na ang pananalitang “mga langit ng mga langit” ay tumutukoy sa pinakamataas na langit at sumasaklaw sa buong lawak ng pisikal na langit, gaano man iyon kalaki, yamang ang langit ay nasa ibabaw ng lupa sa lahat ng direksiyon.​—Deu 10:14; Ne 9:6.

      Si Solomon, ang tagapagtayo ng templo sa Jerusalem, ay nagsabi na sa “mga langit, oo, sa langit ng mga langit” ay hindi magkasya ang Diyos. (1Ha 8:27) Bilang Maylalang ng mga langit, ang posisyon ni Jehova ay malayong mas mataas sa lahat ng mga ito, at “ang kaniyang pangalan lamang ang di-maabot sa kataasan. Ang kaniyang dangal ay nasa itaas ng lupa at langit.” (Aw 148:13) Sinusukat ni Jehova ang pisikal na langit anupat kasindali lamang iyon ng pagsukat ng isang tao sa isang bagay sa pamamagitan ng pag-uunat ng kaniyang mga daliri upang ang bagay na iyon ay malagay sa pagitan ng mga dulo ng hinlalaki at ng kalingkingan. (Isa 40:12)

  • Langit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Espirituwal na Langit. Ang mga salitang iyon sa orihinal na wika na ginamit para sa pisikal na langit ay ikinakapit din sa espirituwal na langit. Gaya ng naipaliwanag na, ang Diyos na Jehova ay hindi tumatahan sa pisikal na langit, yamang isa siyang Espiritu. Gayunman, yamang siya ang “Isa na Mataas at Matayog” na tumatahan sa “kaitaasan” (Isa 57:15), ang saligang diwa ng bagay na “itinaas” o “matayog” na isinasaad ng salita sa wikang Hebreo ay angkop upang ilarawan ang “marangal na tahanan [ng Diyos] ng kabanalan at kagandahan.” (Isa 63:15; Aw 33:13, 14; 115:3) Bilang Maylikha ng pisikal na langit (Gen 14:19; Aw 33:6), si Jehova rin ang May-ari nito. (Aw 115:15, 16) Anuman ang kalugdan niyang gawin dito ay ginagawa niya, lakip na ang makahimalang mga gawa.​—Aw 135:6.

      Kaya naman, sa maraming teksto, ang “langit” ay kumakatawan sa Diyos mismo at sa kaniyang posisyon bilang soberano. Ang kaniyang trono ay nasa langit, samakatuwid nga, sa dako ng mga espiritu na pinamamahalaan din niya. (Aw 103:19-21; 2Cr 20:6; Mat 23:22; Gaw 7:49) Mula sa kaniyang kataas-taasan o sukdulang posisyon, si Jehova, sa diwa, ay ‘dumurungaw’ sa pisikal na langit at lupa (Aw 14:2; 102:19; 113:6), at mula sa matayog na posisyong ito ay nagsasalita rin siya, sumasagot sa mga kahilingan, at naglalapat ng hatol. (1Ha 8:49; Aw 2:4-6; 76:8; Mat 3:17) Kaya mababasa natin na sina Hezekias at Isaias, sa harap ng malubhang pagbabanta, ay “patuloy na nanalangin . . . at humingi ng saklolo sa langit.” (2Cr 32:20; ihambing ang 2Cr 30:27.) Ginamit din ni Jesus ang langit upang kumatawan sa Diyos nang tanungin niya ang mga lider ng relihiyon kung ang bautismo ba ni Juan ay “mula sa langit o mula sa mga tao.” (Mat 21:25; ihambing ang Ju 3:27.) Inamin ng alibughang anak na nagkasala siya “laban sa langit” at laban din sa kaniya mismong ama. (Luc 15:18, 21) Kung gayon, ang pananalitang “ang kaharian ng langit” ay hindi lamang nangangahulugan na ito ay nakasentro at namamahala mula sa espirituwal na langit kundi na ito rin “ang kaharian ng Diyos.”​—Dan 2:44; Mat 4:17; 21:43; 2Ti 4:18.

      Dahil din sa posisyon ng Diyos sa langit, kapuwa ang mga tao at ang mga anghel ay nagtataas ng kanilang mga kamay o mukha tungo sa langit kapag nananawagan sa kaniya upang kumilos (Exo 9:22, 23; 10:21, 22), kapag nanunumpa (Dan 12:7), at kapag nananalangin (1Ha 8:22, 23; Pan 3:41; Mat 14:19; Ju 17:1). Sa Deuteronomio 32:40, binabanggit ni Jehova na ‘itinataas niya ang kaniyang kamay sa langit sa panunumpa.’ Kasuwato ng Hebreo 6:13, maliwanag na nangangahulugan ito na sumusumpa si Jehova sa pamamagitan ng kaniyang sarili.​—Ihambing ang Isa 45:23.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share