-
BisigKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ang “bisig” ng Diyos na Jehova ay napakamakapangyarihan, anupat nakagagawa ito ng kamangha-manghang mga gawa ng paglalang. (Jer 27:5; 32:17) Sa pamamagitan din ng kaniyang “bisig” ay namamahala si Jehova (Isa 40:10; Eze 20:33), nagliligtas sa mga napipighati (Aw 44:3; Isa 52:10), nagliligtas sa kaniyang bayan (Exo 6:6; Isa 63:12; Gaw 13:17), sumusuporta at nangangalaga sa kanila (Deu 33:27; Isa 40:11; Os 11:3), humahatol (Isa 51:5), at nagpapangalat ng kaniyang mga kaaway (Aw 89:10; Luc 1:51).
-