Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hukbo, I
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Sa ilalim ng pangunguna ni David, ang pinakadakilang kumandante ng militar ng Israel, ang buong hukbo ay binubuo ng mga kawal na naglalakad na may mga sandatang pangkamay​—tabak, sibat, busog, o panghilagpos. Tiyak na natandaan ni David na nagpayo si Jehova na huwag manalig sa kabayo ukol sa tagumpay (Deu 17:16; 20:1), na ang mga kabayo at mga karo ni Paraon ay “ibinulid [ni Jehova] sa dagat” (Exo 15:1, 4), at na binuksan ni Jehova ang mga pintuan ng tubig ng langit sa “siyam na raang karong pandigma [ni Sisera] na may mga lingkaw na bakal” anupat ‘tinangay ng ilog ng Kison’ ang kaaway.​—Huk 4:3; 5:21.

      Dahil dito, kung paanong pinilay ni Josue ang nabihag na mga kabayo at sinunog niya ang mga karo ng kaaway, gayundin ang ginawa ni David sa mga kabayong nakuha kay Hadadezer na hari ng Zoba. Pinilay niya ang lahat ng kabayong nabihag mula sa hari ng Zoba maliban sa isang daan. (Jos 11:6-9; 2Sa 8:4) Sa isang awit, ipinaliwanag ni David kung paanong nanalig sa mga karo at mga kabayo ang kaniyang mga kaaway, “ngunit, para sa amin, ang tungkol sa pangalan ni Jehova na aming Diyos ang aming babanggitin.” “Ang kabayo ay isang panlilinlang sa pagliligtas.” (Aw 20:7; 33:17) Gaya nga ng sinasabi ng kawikaan: “Ang kabayo ay inihahanda para sa araw ng pagbabaka, ngunit ang kaligtasan ay kay Jehova.”​—Kaw 21:31.

  • Hukbo, I
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang kahalili ni Rehoboam na si Abias ay mayroon lamang 400,000 lalaki sa kaniyang hukbo nang umahon si Jeroboam laban sa kaniya kasama ang 800,000. Bagaman doble ang bilang ng kalaban, nagtagumpay ang timugang kaharian “sapagkat sumandig sila kay Jehova.” Namatayan naman ang Israel ng 500,000 lalaki.​—2Cr 13:3-18.

  • Hukbo, I
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Noong isang pagkakataon naman, ang Juda ay nilusob ng Etiopia na may isang hukbo ng 1,000,000 lalaki at 300 karo. Ang hukbo ni Haring Asa ay binubuo lamang ng 580,000, ngunit nang ‘magsimula siyang tumawag kay Jehova na kaniyang Diyos,’ “tinalo ni Jehova ang mga Etiope,” at wala ni isa man sa mga ito ang natirang buháy.​—2Cr 14:8-13.

      Noong isa pang pagkakataon, nang umahon ang Moab, Ammon, at ang mga Ammonim laban kay Jehosapat, bagaman ang kaniyang hukbo ay may bilang na 1,160,000, ‘itinalaga ni Jehosapat ang kaniyang mukha upang hanapin si Jehova,’ na nagbigay-katiyakan naman sa kaniya, “Ang pagbabaka ay hindi inyo, kundi sa Diyos.” (2Cr 17:12-19; 20:1-3, 15) Namumukod-tangi ang okasyong iyon sa kasaysayan ng militar, sapagkat isang koro ng sinanay na mga mang-aawit ang ‘lumabas sa unahan ng mga nasasandatahang lalaki,’ habang umaawit, “Magbigay kayo ng papuri kay Jehova.” Dahil sa kalituhan, nagpatayan ang mga hukbo ng kaaway.​—2Cr 20:21-23.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share