-
JehoiakimKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Sa kabila ng pinansiyal na pabigat na nakapasan na sa bayan, bumuo si Jehoiakim ng mga plano sa pagtatayo ng isang bago at maluhong palasyo. Malamang na upang panatilihing mababa ang gastusin, may-paniniil niyang ipinagkait ang mga kabayaran ng mga trabahador. Dahil dito, si Jehova, sa pamamagitan ni Jeremias, ay bumigkas ng kaabahan sa balakyot na tagapamahalang ito, na sinasabing ililibing itong gaya ng paglilibing sa asnong lalaki.—Jer 22:13-19.
Noong maagang bahagi ng paghahari ni Jehoiakim, nagbabala si Jeremias na malibang magsisi ang bayan, ang Jerusalem at ang kaniyang templo ay mawawasak. Pagkatapos nito ay pinagbantaang patayin ang propeta. Gayunman, ipinagtanggol ng prominenteng taong si Ahikam si Jeremias at iniligtas ang propeta mula sa panganib. Bago nito, ang katulad na panghuhula ni Urias ay labis na ikinagalit ni Jehoiakim anupat naging determinado siyang patayin ito. Bagaman ang takót na si Urias ay tumakas patungong Ehipto, hindi niya natakasan ang poot ng hari. Ipinag-utos ni Jehoiakim na ibalik si Urias at pagkatapos ay ipinapatay ito sa pamamagitan ng tabak.—Jer 26:1-24.
Ang ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim (625 B.C.E.) ay kinakitaan ng paglupig ni Nabucodonosor kay Paraon Neco sa isang pagbabaka may kinalaman sa pamumuno sa Sirya-Palestina. Naganap ang pagbabaka sa Carkemis sa tabi ng Eufrates, na mahigit sa 600 km (370 mi) sa H ng Jerusalem. (Jer 46:1, 2) Sa taon ding iyon, sinimulan ni Jeremias na idikta sa kaniyang kalihim na si Baruc ang mga salita ni Jehova na nakatuon laban sa Israel, sa Juda, at sa lahat ng bansa, anupat itinatala ang mga mensahe na nagsimulang ihatid mula noong ika-13 taon ng paghahari ni Josias (na nang panahong iyon ay mga anim na taóng gulang si Jehoiakim) patuloy. Pagkaraan ng halos isang taon, noong ikasiyam na buwang lunar (Kislev, Nobyembre/Disyembre), ang balumbong naglalaman ng idiniktang mensahe ay binasa sa harap ni Haring Jehoiakim. Nang makabasa si Jehudi ng tatlo o apat na tudling ng pahina, ang bahaging iyon ay pinutol at inihagis sa apoy na naglalagablab sa brasero ng bahay na pantaglamig ng hari. Kaya ang bawat bahagi ng buong balumbon ay napasaapoy. Ipinagwalang-bahala ni Jehoiakim ang mga pakiusap ng tatlo sa kaniyang mga prinsipe na huwag sunugin ang balumbon. Partikular niyang tinanggihan ang makahulang mga salita na tumukoy sa pagkatiwangwang ng Juda sa mga kamay ng hari ng Babilonya. Ipinahihiwatig nito na hindi pa umaahon si Nabucodonosor laban sa Jerusalem at hindi pa niya ginagawang basalyo si Jehoiakim.—Jer 36:1-4, 21-29.
-
-
JehoiakimKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ipinakikita ng hula ni Jehova sa pamamagitan ni Jeremias (22:18, 19; 36:30) na hindi tatanggap si Jehoiakim ng isang disenteng libing; ang bangkay niya ay maiiwang di-naaasikaso sa labas ng mga pintuang-daan ng Jerusalem, na nakalantad sa init ng araw sa maghapon at sa matinding lamig sa gabi. Hindi isiniwalat kung paano ‘ibinigay sa kamay ni Nabucodonosor’ si Jehoiakim. (Dan 1:2) Iyon ay maaaring sa diwa ng pagkamatay niya habang nasa pagkubkob at ng paghayo ng kaniyang mga anak sa pagkabihag pagkatapos nito, anupat dinanas ng angkan ni Jehoiakim ang pagkawala ng pagkahari sa mga kamay ni Nabucodonosor. Walang paraan upang matiyak ang tradisyong Judio (na iniulat ni Josephus) na pinatay ni Nabucodonosor si Jehoiakim at ipinag-utos na itapon ang bangkay nito sa labas ng mga pader ng Jerusalem. (Jewish Antiquities, X, 97 [vi, 3])
-
-
JehoiakimKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Matapos sumuko ang anak ni Jehoiakim na si Jehoiakin, itinaas ni Nabucodonosor ang tiyo ni Jehoiakin na si Zedekias sa trono ng Juda. (2Cr 36:9, 10) Tinupad nito ang hula ni Jeremias na si Jehoiakim ay hindi magkakaroon ng sinumang uupo sa trono ni David. (Jer 36:30) Ang anak ni Jehoiakim na si Jehoiakin ay namahala nang tatlong buwan at sampung araw lamang.
-