Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jebus
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • JEBUS

      [malamang na mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “yurakan; yapakan”], Jebusita.

      Ang Jebus ay isang sinaunang lunsod ng mga Jebusita na nasa dako na kilalá ngayon bilang Jerusalem.

      Noong panahon ni Abraham bago ang taóng 1900 B.C.E., ang lugar na ito ay tinawag na Salem (nangangahulugang “Kapayapaan”), na nakapaloob sa pangalang Jerusalem at maaaring isang pinaikling anyo nito. (Heb 7:2) Ang Urusalim (Jerusalem) ay binanggit sa Amarna Tablets na natagpuan sa Ehipto. At sa mga aklat ng Josue, Mga Hukom, at Unang Samuel, kung saan binanggit ang mga pangyayari bago malupig ni David ang lunsod, ang dako ay madalas na tawaging Jerusalem. (Jos 10:1, 3, 5, 23; 12:10; 15:8, 63; 18:28; Huk 1:7, 8, 21; 19:10; 1Sa 17:54) Sa dalawang teksto lamang ito tinutukoy bilang Jebus. (Huk 19:10, 11; 1Cr 11:4, 5) Sa Josue 18:28 Yevu·siʹ ang lumilitaw sa Hebreo, ang hulaping i ay nagpapahiwatig ng mga tao, ang mga tumatahan sa lunsod.

      Kaya nga waring maliwanag sa karamihan sa mga iskolar na Jerusalem (o, posible, Salem) ang orihinal na pangalan ng lunsod, at na tanging noong manirahan dito ang mga Jebusita saka ito tinawag paminsan-minsan na Jebus. Sinasang-ayunan din ng karamihan na ang “Jebus” ay hindi pinaikling anyo ng Jerusalem kundi, sa halip, pinaikling anyo ng mga Jebusita, ang tawag sa mga nakatira sa dakong ito sa loob ng ilang panahon. Pagkatapos bihagin ni David ang tanggulang ito ng Sion at itatag ang kaniyang maharlikang tirahan doon, kung minsan ay tinatawag ito noon bilang ang “Lunsod ni David.”​—2Sa 5:7.

  • Jebus
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Maaaring pagkatapos ng tagumpay na ito sinilaban ng mga Israelita ang Jebus, anupat lubusan itong tinupok sa apoy.​—Huk 1:8.

  • Jebus
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Gayunpaman, pagkatapos ng pagsunog sa Jebus at mga ilang panahon bago ang paghahati-hati ng lupain, hawak ng mga Jebusita ang estratehikong matataas na dako ng Jerusalem, na hinawakan nila sa loob ng 400 taon.​—Jos 15:63.

      Ang lunsod ng Jebus ay iniatas sa Benjamin nang hati-hatiin ang lupain, at ito ay nasa pinakahanggahan sa pagitan ng mga teritoryo ng tribo nina Juda at Benjamin. (Jos 15:1-8; 18:11, 15, 16, 25-28) Gayunman, hindi pinalayas ng mga Israelita ang mga Jebusita kundi, sa halip, pinahintulutan ang kanilang mga anak na lalaki at mga anak na babae na makipag-asawa sa mga taong ito, at sumamba pa nga sila sa huwad na mga diyos ng mga Jebusita. (Huk 1:21; 3:5, 6) Noong yugtong iyon ay nanatili itong “isang lunsod ng mga banyaga,” kung saan noong minsan ay tumangging magpalipas ng gabi ang isang Levita.​—Huk 19:10-12.

      Sa wakas, noong 1070 B.C.E., nalupig ni David ang Sion, ang moog ng mga Jebusita. (2Sa 5:6-9; 1Cr 11:4-8) Nang maglaon ay binili ni David ang giikan sa dakong H mula sa isang Jebusita na nagngangalang Arauna (Ornan), at nagtayo siya roon ng isang altar at naghandog ng pantanging mga hain. (2Sa 24:16-25; 1Cr 21:15, 18-28) Pagkaraan ng ilang taon, sa dakong ito itinayo ni Solomon ang mamahaling templo. (2Cr 3:1)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share