Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Binhi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Espirituwal ang ‘binhi ng babae.’ Kung gayon, anuman ang pangmalas dito ng mga taong tapat noong una, nililinaw ng Kristiyanong Kasulatan na ang ipinangakong ‘binhi ng babae’ ay kailangang nakahihigit sa tao para ‘masugatan niya sa ulo’ ang espirituwal na kaaway at anghel, ang Diyablo. Dapat na ang “binhi” ay isang makapangyarihang espiritung persona. Paano kaya siya lilitaw, at sino ang kaniyang ‘ina,’ ang “babae”?

      Muling binanggit ang ipinangakong “binhi” pagkaraan ng mahigit na 2,000 taon, sa tapat na si Abraham. Si Abraham ay nagmula sa linya ni Sem, at sa isang naunang hula, tinawag ni Noe si Jehova bilang “ang Diyos ni Sem.” (Gen 9:26) Ipinahihiwatig nito na natamo ni Sem ang pabor ng Diyos. Noong panahon ni Abraham, inihula na ang ‘binhing’ ipinangako ay manggagaling kay Abraham. (Gen 15:5; 22:15-18) Lalo itong napagtibay nang pagpalain si Abraham ng saserdoteng si Melquisedec. (Gen 14:18-20) Hindi lamang isiniwalat ng pananalita ng Diyos na magkakaroon si Abraham ng supling kundi ipinakita rin nito na ang ipinangakong ‘binhing’ tagapagligtas ay talagang magmumula sa linya ng angkan ng mga tao sa lupa.

      Iisang indibiduwal ang inihula. Kapag tinutukoy ang mga supling ni Abraham at ng iba pa, ang mga terminong Hebreo at Griego na ginagamit ay nasa anyong pang-isahan, anupat kadalasa’y tinutukoy ang mga supling na iyon bilang isang grupo. Waring may matibay na dahilan kung bakit ang panlahatang termino na zeʹraʽ, “binhi,” sa halip na ang pangmaramihang salita na ba·nimʹ, “mga anak” (pang-isahan, ben), ang napakadalas gamitin may kaugnayan sa mga supling ni Abraham. Ipinakita ito ng apostol na si Pablo nang ipaliwanag niya na noong banggitin ng Diyos ang mga pagpapalang darating sa pamamagitan ng binhi ni Abraham, ang tinukoy Niya ay iisang indibiduwal, samakatuwid nga, si Kristo. Sinabi ni Pablo: “Ngayon ang mga pangako ay sinalita kay Abraham at sa kaniyang binhi. Hindi nito [o, niya] sinasabi: ‘At sa mga binhi [sa Gr., sperʹma·sin],’ gaya ng sa marami, kundi gaya ng sa iisa: ‘At sa iyong binhi [sa Gr., sperʹma·tiʹ],’ na si Kristo.”​—Gal 3:16, tlb sa Rbi8.

      Tinututulan ng ilang iskolar ang sinabi ni Pablo tungkol sa paggamit ng pang-isahan at pangmaramihang anyo ng “binhi.” Sinasabi nila na sa Hebreo, ang salita para sa “binhi” (zeʹraʽ), kapag ginamit upang tumukoy sa mga supling, ay hindi kailanman nagbabago ng anyo. Isa pa, hindi ipinakikita ng ginamit na mga pandiwa at mga pang-uri kung ang salita para sa “binhi” ay pang-isahan o pangmaramihan. Bagaman totoo ito, may isa pang salik na nagpapakitang tumpak ang paliwanag ni Pablo kung tungkol sa balarila at sa doktrina. Hinggil sa salik na ito, ganito ang paliwanag ng Cyclopædia nina M’Clintock at Strong (1894, Tomo IX, p. 506): “May kaugnayan sa mga panghalip, ang pagkakagamit sa mga ito ay ibang-iba sa dalawang nauna [samakatuwid nga, sa mga pandiwa at mga pang-uri na ginamit kasama ng salitang “binhi”]. Ang pang-isahang panghalip [na ginamit para sa zeʹraʽ] ay tumutukoy sa isang indibiduwal, sa kaisa-isa, o sa isa na nagmula sa marami; samantalang ang pangmaramihang panghalip ay kumakatawan sa lahat ng inapo. Ang tuntuning ito ay palaging sinusunod ng Sept[uagint] . . . Nauunawaan ni Pedro ang ganitong paggamit sa mga panghalip, sapagkat tinukoy niya ang binhi sa Gen. xxii, 17, 18 gamit ang pang-isahang termino, noong nakikipag-usap siya sa katutubong mga Judio sa lunsod ng Jerusalem bago makumberte si Pablo (Gawa iii, 26), gaya rin ng ginawa ni David isang libong taon bago nito (Aw. lxxii, 17).”

      Sinabi pa ng reperensiyang iyon: “Hindi ipinakikita ni Pablo ang pagkakaiba ng isang binhi at ng isa pa, kundi ng isang binhi at ng marami; at kung ipapalagay natin na sinisipi niya ang mismong talata na sinipi ni Pedro [na nabanggit na], ang kaniyang argumento ay matibay na sinusuportahan ng panghalip na ‘kaniyang [hindi kanilang] mga kaaway.’ Ang binhi na ginamitan ng panghalip na pang-isahan ay eksaktong katumbas ng anak.”

      Nang pangakuan si Abraham na pagpapalain ng lahat ng pamilya sa lupa ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kaniyang “binhi,” hindi maaaring kasama sa “binhi” na ito ang lahat ng supling ni Abraham. Hindi naman ginamit ang mga supling ng kaniyang anak na si Ismael at ang mga supling ng kaniyang mga anak kay Ketura upang pagpalain ang sangkatauhan. Ang binhing magdudulot ng pagpapala ay magmumula kay Isaac. “Ang tatawaging iyong binhi ay magiging sa pamamagitan nga ni Isaac,” ang sabi ni Jehova. (Gen 21:12; Heb 11:18) Nang maglaon, lalong nilimitahan ang pagkakapit ng pangakong ito nang, sa dalawang anak ni Isaac na sina Jacob at Esau, si Jacob ang pantanging pinagpala. (Gen 25:23, 31-34; 27:18-29, 37; 28:14) Nilimitahan pa ito ni Jacob nang ipakita niya na ang bayan ay matitipon sa Shilo (nangangahulugang “Siya na Nagmamay-ari Nito; Siya na Kinauukulan Nito”) na mula sa tribo ni Juda. (Gen 49:10) Mula naman sa buong Juda, ang linya ni David ang piniling pagmulan ng darating na binhi. (2Sa 7:12-16) Ang paglilimitang ito sa angkang pagmumulan ng binhi ay batid ng mga Judio noong unang siglo C.E., na talagang naghihintay sa pagdating ng iisang indibiduwal bilang Mesiyas o Kristo, bilang tagapagligtas (Ju 1:25; 7:41, 42), bagaman inakala rin nila na sila, bilang mga supling, o binhi, ni Abraham, ang magiging pinaborang bayan at sa gayo’y mga anak ng Diyos.​—Ju 8:39-41.

  • Binhi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang pagdating ng “binhi.” Napatunayan nang si Jesus ang pangunahing “binhi.” Gayunman, hindi pa siya ang ‘binhi ng babae’ (samakatuwid nga, ng “Jerusalem sa itaas”) noong isilang siya bilang tao. Totoong nagmula siya sa likas na binhi ni Abraham sa pamamagitan ng kaniyang inang si Maria. Nagmula siya sa tribo ni Juda. At nagmula siya sa linya ni David kapuwa sa likas na paraan (sa pamamagitan ni Maria) at sa legal na paraan (sa pamamagitan ng kaniyang ama-amahang si Jose). (Mat 1:1, 16; Luc 3:23, 31, 33, 34) Kaya naman kuwalipikado si Jesus na maging “binhi” alinsunod sa makahulang mga pangako.

      Ngunit upang aktuwal na maging binhi, o supling, ng babae at Binhi na magpapala sa lahat ng bansa, si Jesus ay kailangang ianak sa pamamagitan ng banal na espiritu ng Diyos. Naganap ito nang bautismuhan siya ni Juan sa Ilog Jordan noong 29 C.E. Mga 30 taóng gulang noon si Jesus. Ang banal na espiritu, na bumaba kay Jesus, ay nakita ni Juan sa anyong kalapati, at sa pagkakataong iyon ay kinilala mismo ng Diyos si Jesus bilang kaniyang Anak.​—Mat 3:13-17; Luc 3:21-23; Ju 3:3.

  • Binhi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Alitan sa pagitan ng dalawang binhi. Ang malaking serpiyente na si Satanas na Diyablo ay nagluwal ng “binhi” na buong-tinding nakikipag-alit sa mga taong naglilingkod sa Diyos at may pananampalatayang tulad ng kay Abraham, gaya ng pinatototohanan ng maraming ulat sa Bibliya. Sinikap ni Satanas na pigilan o hadlangan ang paglitaw ng binhi ng babae. (Ihambing ang Mat 13:24-30.) Umabot sa kasukdulan ang pakikipag-alit na ito nang usigin ang espirituwal na binhi, lalo na nang usigin si Jesu-Kristo. (Gaw 3:13-15)

  • Binhi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Pagpapalain ang lahat ng pamilya sa lupa. Sa pamamagitan ng kaniyang mga turo at ng pagpatnubay niya sa kaniyang kongregasyon mula noong Pentecostes, ang Binhi, si Jesu-Kristo, ay nakapagdulot ng saganang mga pagpapala sa tapat-pusong mga tao. Ngunit sa pagsisimula ng kaniyang Sanlibong Taóng Paghahari, ang kaniyang espirituwal na “mga kapatid,” na binuhay nang muli at nakikibahagi na sa kaniyang pamamahala sa Kaharian, ay maglilingkod ding kasama niya bilang mga katulong na saserdote. (Apo 20:4-6) Kapag “ang mga patay, ang malalaki at ang maliliit,” ay tumayo sa harap ng trono upang hatulan, “pagpapalain” niyaong mga nanampalataya at naging masunurin “ang kanilang sarili,” anupat magtatamo sila ng buhay sa pamamagitan ng binhi ni Abraham. (Apo 20:11-13; Gen 22:18) Mangangahulugan ito ng buhay na walang hanggan at kaligayahan para sa kanila.​—Ju 17:3; ihambing ang Apo 21:1-4.

      Pagkabuhay-muli ng “binhi.” Nang ipaliwanag ng apostol na si Pedro ang pagkabuhay-muli ng Binhi na si Jesu-Kristo, isinulat niya na si Kristo ay “pinatay sa laman, ngunit binuhay sa espiritu.” (1Pe 3:18) Bilang pagtalakay naman sa pagkabuhay-muli ng mga kasamahan ni Kristo, ang kapuwa niya apostol na si Pablo ay gumamit ng ilustrasyong nauugnay sa agrikultura. Sinabi niya: “Ang inihahasik mo ay hindi binubuhay malibang mamatay muna ito; at kung tungkol sa inihahasik mo, inihahasik mo, hindi ang katawan na tutubo, kundi ang isang butil lamang, maaaring trigo o alinman sa iba pa; ngunit binibigyan ito ng Diyos ng katawan ayon sa kaniyang kinalugdan, at sa bawat isa sa mga binhi ay ang sarili nitong katawan. . . . Gayundin naman ang pagkabuhay-muli ng mga patay. Inihahasik ito sa kasiraan, ibinabangon ito sa kawalang-kasiraan. Inihahasik ito sa kasiraang-puri, ibinabangon ito sa kaluwalhatian. . . . Inihahasik itong isang katawang pisikal, ibinabangon itong isang katawang espirituwal.” (1Co 15:36-44) Samakatuwid, yaong mga bumubuo sa ‘binhi ng babae,’ ang “binhi ni Abraham,” ay mamamatay, anupat isusuko nila ang kanilang makalupang mga katawang laman na nasisira, at bubuhayin silang muli taglay ang maluwalhati at walang-kasiraang mga katawan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share