Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tipan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ipinakikita ng katibayan na ang “binhi” ng “babae,” na matagal nang hinihintay ng mga taong matuwid, ay tumutukoy sa “binhi” ni Abraham, si Jesu-Kristo. (Gal 3:16; Mat 1:1) Ang “binhi” na ito ay susugatan ng serpiyente sa sakong. Pinatay si Jesu-Kristo, gayunma’y hindi permanente ang sugat na ito sapagkat ibinangon siya ng Diyos mula sa kamatayan. Susugatan naman ng “binhi” ang ulo ng serpiyente, anupat tuluyan itong malulupig.

  • Tipan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Upang malupig, o “mapawi,” ng “binhi” ang espiritung nilalang na si Satanas na Diyablo, dapat na ang binhi ay espiritu, hindi tao. (Heb 2:14) Nang isilang si Jesus, siya’y isang taong Anak ng Diyos, ngunit noong panahon ng kaniyang bautismo, kinilala siya ng Diyos bilang Kaniyang Anak at isinugo sa kaniya ang banal na espiritu. Nang pagkakataong iyon, si Jesus ay naging inianak-sa-espiritung Anak ng Diyos. (Mat 3:13-17; Ju 3:3-5) Nang maglaon, sa kaniyang pagkabuhay-muli, siya’y “binuhay sa espiritu.” (1Pe 3:18)

  • Tipan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Matapos siyang maglakbay papasók sa Canaan hanggang sa Sikem, muling nagpakita ang Diyos kay Abraham at pinalawak Niya ang pangako, sa pagsasabing, “Sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lupaing ito.” Sa gayo’y ipinahiwatig ng Diyos na ang tipang iyon ay nauugnay sa pangako sa Eden, at isiniwalat niya na ang “binhi” ay mabubuhay bilang tao, samakatuwid nga, magmumula sa linya ng angkan ng mga tao. (Gen 12:4-7) Nang maglaon, pinalawak pa ni Jehova ang pangakong iyon, gaya ng nakaulat sa Genesis 13:14-17; 15:18; 17:2-8, 19; 22:15-18.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share