Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagbabayad-sala, Araw ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Antitipikong Katuparan. Noong ipinagdiriwang pa ito nang wasto, ang taunang Araw ng Pagbabayad-Sala, tulad ng iba pang bahagi ng Kautusang Mosaiko, ay nagsisilbing larawan ng isang bagay na mas dakila. Kung susuriin ang pagdiriwang na ito sa liwanag ng kinasihang pananalita ng apostol na si Pablo, makikita natin na si Jesu-Kristo at ang kaniyang ginawang pagtubos sa sangkatauhan ay isinagisag ng mataas na saserdote ng Israel at ng mga hayop na ginamit sa seremonya ng pagbabayad-sala. Sa liham ni Pablo sa mga Hebreo, ipinakita niya na si Jesu-Kristo ang dakilang antitipikong Mataas na Saserdote. (Heb 5:4-10) Sinabi rin ng apostol na ang pagpasok ng mataas na saserdote sa Kabanal-banalan isang araw sa bawat taon taglay ang dugo ng mga haing hayop ay lumarawan sa pagpasok ni Jesu-Kristo sa langit mismo taglay ang sarili niyang dugo upang magbayad-sala para sa mga nananampalataya sa kaniyang hain. Sabihin pa, palibhasa’y walang kasalanan, hindi kinailangan ni Kristo na maghandog ng hain para sa anumang personal na kasalanan, di-tulad ng mataas na saserdote ng Israel.​—Heb 9:11, 12, 24-28.

      Inihahain noon ni Aaron ang toro para sa mga saserdote at sa iba pang miyembro ng tribo ni Levi, anupat iwiniwisik niya ang dugo nito sa Kabanal-banalan. (Lev 16:11, 14) Sa katulad na paraan, iniharap ni Kristo ang halaga ng kaniyang dugo sa Diyos sa langit, kung saan makikinabang dito yaong mga mamamahalang kasama niya bilang mga saserdote at mga hari. (Apo 14:1-4; 20:6)

  • Pagbabayad-sala, Araw ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Samakatuwid, maliwanag na bagaman ang Araw ng Pagbabayad-Sala ng mga Judio ay hindi lubusan at permanenteng nakapag-alis ng kasalanan kahit para sa Israel, ang iba’t ibang bahagi ng taunang pagdiriwang na ito ay nagsilbing mga sagisag. Lumarawan ang mga iyon sa kamangha-manghang pagbabayad-sala para sa mga kasalanan, na isinagawa ni Jesu-Kristo, ang Mataas na Saserdote na ipinahahayag ng mga Kristiyano.​—Heb 3:1; tingnan ang PAGBABAYAD-SALA; PANTUBOS.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share