-
Matandang LalakiKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Noong araw ng Pentecostes, kumilos ang mga apostol bilang isang lupon, anupat si Pedro ang nagsilbing tagapagsalita sa pamamagitan ng pagkilos ng ibinuhos na espiritu ng Diyos. (Gaw 2:14, 37-42) Maliwanag na sila ay “matatandang lalaki” sa espirituwal na diwa dahil sa kanilang matagal at matalik na pakikipagsamahan kay Jesus at dahil personal niya silang inatasan na magturo. (Mat 28:18-20; Efe 4:11, 12; ihambing ang Gaw 2:42.) Makikita sa saloobin niyaong mga nagiging mananampalataya na kinikilala nila na ang mga apostol ay may awtoridad na mamahala sa bagong bansa na nasa ilalim ni Kristo (Gaw 2:42; 4:32-37; 5:1-11) at na may awtoridad ang mga ito na magbigay ng mga atas para sa paglilingkod, sa tuwirang paraan man bilang isang lupon o sa pamamagitan ng mga kinatawan, anupat ang kilaláng halimbawa nito ay ang apostol na si Pablo. (Gaw 6:1-6; 14:19-23)
-
-
Matandang LalakiKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Bilang “matatandang lalaki” na may awtoridad bilang apostol, kung minsan ay pinangangasiwaan nina Pablo at Pedro ang ibang “matatandang lalaki” sa ilang kongregasyon (ihambing ang 1Co 4:18-21; 5:1-5, 9-13; Fil 1:1; 2:12; 1Pe 1:1; 5:1-5), gaya ng ginawa ng apostol na si Juan at ng mga alagad na sina Santiago at Judas—pawang mga manunulat ng mga liham sa mga kongregasyon. Inatasan ni Pablo sina Timoteo at Tito na katawanin siya sa ilang lugar. (1Co 4:17; Fil 2:19, 20; 1Ti 1:3, 4; 5:1-21; Tit 1:5)
-