Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pitumpung Sanlinggo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • “Kinitil” sa kalahati ng sanlinggo. Sinabi pa ni Gabriel kay Daniel: “Pagkatapos ng animnapu’t dalawang sanlinggo ay kikitlin ang Mesiyas, na walang anumang bagay para sa kaniyang sarili.” (Dan 9:26) Pagkaraan ng ‘pito at animnapu’t dalawang sanlinggo,’ sa katunayan ay mga tatlo at kalahating taon pa pagkatapos nito, si Kristo ay kinitil sa kamatayan sa isang pahirapang tulos, anupat isinuko ang lahat ng taglay niya, bilang pantubos para sa sangkatauhan. (Isa 53:8) Ipinakikita ng katibayan na ang unang kalahati ng “sanlinggo” ay ginugol ni Jesus sa ministeryo. Sa isang pagkakataon, malamang na noong taglagas ng 32 C.E., nagbigay siya ng ilustrasyon, kung saan lumilitaw na tinukoy niya ang bansang Judio bilang isang puno ng igos (ihambing ang Mat 17:15-20; 21:18, 19, 43) na hindi namunga sa loob ng “tatlong taon.” Sinabi ng tagapag-alaga ng ubasan sa may-ari nito: “Panginoon, pabayaan mo rin iyon sa taóng ito, hanggang sa humukay ako sa palibot nito at maglagay ng pataba; at kung magluwal nga ito ng bunga sa hinaharap, mabuti naman; ngunit kung hindi, puputulin mo iyon.” (Luc 13:6-9) Maaaring tinutukoy niya rito ang yugto ng panahon ng kaniya mismong ministeryo sa manhid na bansang iyon, isang ministeryo na mga tatlong taon na noon at papasók na sa ikaapat na taon.

  • Pitumpung Sanlinggo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • ‘Pinatigil’ ang mga hain at handog. Ang pananalitang ‘patigilin,’ na ginamit may kaugnayan sa hain at handog na kaloob, ay literal na nangangahulugang “pangyarihing mangilin ng sabbath, pagpahingahin, pahintuin sa paggawa.” Ang ‘hain at handog na kaloob’ na ‘pinatigil,’ batay sa Daniel 9:27, ay hindi maaaring ang haing pantubos ni Jesus, ni makatuwiran mang tumukoy ang mga iyon sa anumang espirituwal na hain niyaong mga sumusunod sa kaniyang yapak. Tiyak na tumutukoy ang mga iyon sa mga hain at mga handog na kaloob na inihahandog noon ng mga Judio sa templo sa Jerusalem alinsunod sa Kautusan ni Moises.

      Ang “kalahati ng sanlinggo” ay sa kalagitnaan ng pitong taon, o pagkatapos ng tatlo at kalahating taon sa loob ng ‘sanlinggong’ ito ng mga taon. Yamang nagsimula ang ika-70 “sanlinggo” noong bandang taglagas ng 29 C.E. nang si Jesus ay bautismuhan at pahiran bilang ang Kristo, ang kalahati ng sanlinggong ito (tatlo at kalahating taon) ay aabot sa tagsibol ng 33 C.E., o sa panahon ng Paskuwa (Nisan 14) ng taóng iyon. Lumilitaw na ang katumbas ng araw na iyon sa kalendaryong Gregorian ay Abril 1, 33 C.E. (Tingnan ang HAPUNAN NG PANGINOON [Kung Kailan Ito Pinasinayaan].)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share