-
PanunuyaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Panunuya kay Jesus at sa kaniyang mga alagad. Bilang Lingkod at Propeta ng Diyos, si Jesu-Kristo ay kinutya, pinagtawanan, ginawang katatawanan, pinakitunguhan nang walang pakundangan, at dinuraan pa nga, noong panahon ng kaniyang ministeryo sa lupa. (Mar 5:40; Luc 16:14; 18:32) Partikular nang lipos ng pagkapoot ang panlalait ng mga saserdote at mga tagapamahalang Judio. (Mat 27:41; Mar 15:29-31; Luc 23:11, 35) Nakisali rin sa panlilibak ang mga kawal na Romano nang ibigay si Jesus sa kanila.—Mat 27:27-31; Mar 15:20; Luc 22:63; 23:36.
-
-
PanunuyaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Pagbabata ng panunuya taglay ang wastong pangmalas. Sa simula pa lamang, alam na ni Jesu-Kristo na daranas siya ng panunuya at na hahantong ito sa pagpatay sa kaniya. Ngunit batid niya na ang mga pandurustang iyon ay laban talaga kay Jehova, na kaniyang kinakatawanan, at naging napakasakit nito sa kaniya, sapagkat ‘lagi niyang ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kaniyang Ama’ (Ju 8:29), at higit niyang ikinababahala ang pagpapabanal sa pangalan ng kaniyang Ama kaysa sa anupamang bagay. (Mat 6:9) Dahil dito, “nang siya ay laitin, hindi siya nanlait bilang ganti. Nang siya ay magdusa, hindi siya nagbanta, kundi patuloy na ipinagkatiwala ang kaniyang sarili sa isa na humahatol nang matuwid.” Binanggit ng apostol na si Pedro ang puntong ito nang sumulat siya sa mga Kristiyano, partikular na sa mga alipin, na pinayuhan niyang huwag mapukaw na gumanti dahil sa gayong pakikitungo; sapagkat si Kristo ang kanilang uliran, isang “huwaran,” sabi ni Pedro, “upang maingat [nilang] sundan ang kaniyang mga yapak.”—1Pe 2:18-23; Ro 12:17-21.
-