Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Maria
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pagkalibing kay Jesus, si Maria Magdalena at ang iba pang mga babae ay yumaon upang maghanda ng mga espesya at mabangong langis bago magsimula ang Sabbath sa paglubog ng araw. Pagkatapos ng Sabbath, sa pagbubukang-liwayway, noong unang araw ng sanlinggo, dinala ni Maria at ng iba pang mga babae ang mabangong langis sa libingan. (Mat 28:1; Mar 15:47; 16:1, 2; Luc 23:55, 56; 24:1) Nang makita ni Maria na ang libingan ay nakabukas at lumilitaw na walang laman, dali-dali siyang humayo upang sabihin ang nakagugulat na balita kina Pedro at Juan, na tumakbo naman patungo sa libingan. (Ju 20:1-4) Pagkabalik ni Maria sa libingan, nakaalis na sina Pedro at Juan, at noon niya tiningnan ang loob at natigilan siya nang makita niya ang dalawang anghel na nakaputi. Pagkatapos ay bumaling siya sa likuran at nakita si Jesus na nakatayo. Sa pag-aakalang ito ang hardinero, itinanong niya kung nasaan ang katawan ni Jesus, upang maasikaso niya iyon. Nang tumugon ito ng “Maria!” ay kaagad na nahayag sa kaniya kung sino ito at sa kabiglaanan ay niyakap niya ito, anupat bumulalas, “Rab·boʹni!” Ngunit wala nang panahon noon para sa mga kapahayagan ng pagmamahal na nauukol sa lupa. Makakasama na lamang nila si Jesus sa loob ng maikling panahon. Dapat na magmadali si Maria na ipabatid sa iba pang mga alagad ang tungkol sa pagkabuhay-muli nito at na si Jesus ay aakyat, gaya ng sinabi nito, “sa aking Ama at inyong Ama at sa aking Diyos at inyong Diyos.”​—Ju 20:11-18.

  • Maria
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Noong ikatlong araw, silang dalawa at ang mga iba pa ay pumaroon sa libingan taglay ang mga espesya at mabangong langis sa layuning pahiran ang katawan ni Jesus at nagulat sila nang masumpungan nilang nakabukas ang libingan. Ipinaliwanag ng isang anghel na si Kristo ay ibinangon mula sa mga patay, kaya iniutos nito, “Humayo kayo, sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad.” (Mat 28:1-7; Mar 16:1-7; Luc 24:1-10) Habang nasa daan sila, ang binuhay-muling si Jesus ay nagpakita sa Mariang ito at sa mga iba pa.​—Mat 28:8, 9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share