Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pedro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Nagpakita si Pedro ng labis na pagtitiwala sa sarili at ng pagkadamang nakahihigit siya sa 11 nang sabihin niya na bagaman matisod ang mga ito may kinalaman kay Jesus, siya ay hindi matitisod, anupat handa siyang mabilanggo o mamatay pa nga kasama ni Jesus. Totoo, ang lahat ng iba pa ay nagsabi rin ng gayunding bagay, ngunit si Pedro ang unang gumawa nito at “paulit-ulit” pa. Pagkatapos ay inihula ni Jesus na tatlong ulit na ipagkakaila ni Pedro ang kaniyang Panginoon.​—Mat 26:31-35; Mar 14:30, 31; Luc 22:33, 34.

  • Pedro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa tulong ng isa pang alagad, na maliwanag na sumunod o sumama sa kaniya hanggang sa tirahan ng mataas na saserdote, pumasok si Pedro sa mismong looban. (Ju 18:15, 16) Hindi siya nanatiling tahimik at nakakubli sa isang madilim na sulok kundi lumantad siya at nagpainit sa tabi ng apoy. Dahil sa liwanag ng apoy ay nakilala siya ng iba bilang kasamahan ni Jesus, at lalo pa silang naghinala dahil sa kaniyang puntong Galilea. Nang akusahan si Pedro, tatlong ulit niyang ikinaila na kilala niya si Jesus, anupat sumumpa pa nga nang bandang huli dahil sa tindi ng kaniyang pagkakaila. Sa isang dako sa lunsod ay tumilaok ang isang tandang sa ikalawang pagkakataon, at si Jesus ay “bumaling at tumingin kay Pedro.” Si Pedro ngayon ay lumabas, nanlupaypay, at tumangis nang may kapaitan. (Mat 26:69-75; Mar 14:66-72; Luc 22:54-62; Ju 18:17, 18; tingnan ang PAGTILAOK NG MANOK; SUMPA Blg. 1.) Gayunman, ang naunang pagsusumamo ni Jesus para kay Pedro ay sinagot, anupat hindi naman lubusang nanghina ang pananampalataya ni Pedro.​—Luc 22:31, 32.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share