Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Katapatan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Si Job. Si Job, na maliwanag na nabuhay sa loob ng yugto sa pagitan ng kamatayan ni Jose at ng panahon ni Moises, ay inilalarawan bilang isang lalaking “walang kapintasan [sa Heb., tam] at matuwid, at natatakot sa Diyos at lumilihis sa kasamaan.” (Job 1:1; tingnan ang JOB.) Kalakip sa usapin sa pagitan ng Diyos na Jehova at ni Satanas ang katapatan ng tao at malinaw na makikita ito mula sa pagtatanong ng Diyos sa kaniyang Kalaban tungkol kay Job nang dumating si Satanas noong panahon ng pagtitipon ng mga anghel sa mga korte ng langit. Pinaratangan ni Satanas ng maling motibo ang pagsamba ni Job sa Diyos, anupat sinabi niyang naglilingkod si Job hindi udyok ng dalisay na debosyon kundi para sa sakim na mga pakinabang. Sa gayon ay kinuwestiyon niya ang katapatan ni Job sa Diyos. Nang pahintulutan siyang alisan si Job ng napakarami nitong pag-aari at kunin maging ang mga anak nito, nabigo si Satanas na sirain ang katapatan ni Job. (Job 1:6–2:3) Pagkatapos ay inangkin niya na hangga’t maililigtas ni Job ang kaniyang sarili, may-kasakiman nitong babatahin ang pagkawala ng kaniyang mga pag-aari at mga anak. (Job 2:4, 5) Pagkatapos nito, nang pasapitan siya ng isang makirot, anupat nakauupos na sakit at udyukan siya ng kaniyang sariling asawa na tumalikod na sa Diyos at gayundin batikusin siya nang may paghamak at siraang-puri ng kaniyang mga kasamahan na nagbigay ng maling impresyon sa mga pamantayan at layunin ng Diyos (Job 2:6-13; 22:1, 5-11), si Job ay tumugon na hindi niya itatakwil ang kaniyang pagiging isang taong nagpapakita ng katapatan. “Hanggang sa pumanaw ako ay hindi ko aalisin sa akin ang aking katapatan! Sa aking pagkamatuwid ay nanghahawakan ako, at hindi ko ito bibitiwan; hindi ako tutuyain ng aking puso sa lahat ng aking mga araw.” (Job 27:5, 6) Dahil sa pagpapanatili niya ng katapatan, ang Kalaban ng Diyos ay napatunayang isang sinungaling.

  • Katapatan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ipinahayag ng naghihirap na si Job ang pagtitiwala na ‘Titimbangin ako ni Jehova sa hustong timbangan at malalaman ng Diyos ang aking katapatan.’ (Job 31:6) Pagkatapos nito ay bumanggit si Job ng maraming halimbawa mula sa aktuwal na buhay na, kung ginawa nga niya, magpapakita ng kawalan ng katapatan.​—Job 31:7-40.

  • Katapatan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kaya nga, higit na makikita ang katapatan kapag nasusubok ang debosyon ng indibiduwal at kapag nagigipit siyang iwan ang kaniyang matuwid na landasin. Gawin man siyang isang katatawanan ng mga sumasalansang (Job 12:4; ihambing ang Jer 20:7) o tudlaan ng kanilang mapait na pananalita (Aw 64:3, 4), pagkapoot, at marahas na pang-uusig (Kaw 29:10; Am 5:10), dumaranas man siya ng pagkakasakit o ng nakapipighating kahirapan, dapat na ‘manghawakang mahigpit sa kaniyang katapatan’ ang isang tao, gaya ng ginawa ni Job, anuman ang kapalit.​—Job 2:3.

  • Katapatan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bagaman ang mga walang kapintasan, gaya ng sinabi ni Job samantalang nagugulumihanan siya, ay maaaring magdusa dahil sa pamamahala ng balakyot at maaaring mamatay kasama ng balakyot, tinitiyak ni Jehova na batid niya ang buhay ng taong walang pagkukulang at ginagarantiyahan niyang mananatili ang mana ng gayong tao, magiging mapayapa ang kaniyang kinabukasan, at magmamay-ari siya ng kabutihan. (Job 9:20-22; Aw 37:18, 19, 37; 84:11; Kaw 28:10) Gaya sa kaso ni Job, sa pagiging isang taong nagpapakita ng katapatan, at hindi sa pamamagitan ng kayamanan ng isa, nagkakaroon ng tunay na halaga ang isang tao, anupat nagiging marapat sa paggalang ng iba. (Kaw 19:1; 28:6) Maituturing na maligaya ang mga anak na nagkapribilehiyong magkaroon ng gayong magulang (Kaw 20:7), anupat sila ay tumatanggap ng marilag na pamana sa halimbawa sa buhay ng kanilang ama, at nagtatamasa ng isang bahagi ng kaniyang mabuting pangalan at ng paggalang na natamo niya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share