-
KanonKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Bilang sagot sa kaniyang mga kalaban, kinumpirma ng Judiong istoryador na si Josephus, sa kaniyang akdang Against Apion (I, 38-40 [8]) noong mga 100 C.E., na noong panahong iyon ay matagal nang kumpleto ang kanon ng Hebreong Kasulatan. Isinulat niya: “Wala tayong pagkarami-rami at di-magkakasuwatong mga aklat na nagkakasalungatan sa isa’t isa. Ang ating mga aklat, yaong mga may-kawastuang kinikilala, ay dalawampu’t dalawa lamang, at naglalaman ng rekord ng lahat ng panahon. Sa mga ito, lima ay mga aklat ni Moises, na binubuo ng mga kautusan at ng tradisyonal na kasaysayan mula sa paglalang sa tao hanggang sa pagkamatay ng tagapagbigay-batas. . . . Mula sa pagkamatay ni Moises hanggang kay Artajerjes, na humalili kay Jerjes bilang hari ng Persia, isinulat ng mga propetang kasunod ni Moises sa labintatlong aklat ang kasaysayan ng mga pangyayari noong kani-kanilang panahon. Ang nalalabing apat na aklat ay naglalaman ng mga himno sa Diyos at mga panuntunan para sa pamumuhay ng mga tao.”
-
-
KanonKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Pinatotohanan ni Josephus ang karaniwang opinyong ito ng mga Judio tungkol sa mga akdang Apokripal nang sabihin niya: “Mula kay Artajerjes hanggang sa atin mismong panahon, ang kumpletong kasaysayan ay naisulat na, ngunit hindi itinuring na karapat-dapat maging kapantay ng mas naunang mga rekord, dahil hindi kumpleto ang linya ng mga propeta sa panahong ito. Malinaw na nating pinatunayan ang pagpipitagan natin sa ating sariling Kasulatan. Sapagkat, bagaman napakahabang panahon na ang lumipas, walang sinuman ang nangahas na magdagdag, o mag-alis, o magpalit ng isa mang pantig; at likas sa bawat Judio, mula sa araw ng kaniyang pagsilang, na ituring ang mga iyon bilang mga utos ng Diyos, na sundin ang mga iyon, at, kung kailangan, mamatay para sa mga iyon nang maluwag sa kalooban.”—Against Apion, I, 41, 42 (8).
-