-
TemploKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang Templong Muling Itinayo ni Herodes. Ni minsan ay hindi inilarawan sa Kasulatan ang templong ito. Ang pangunahing mapagkukunan ng impormasyon hinggil dito ay si Josephus, na personal na nakakita sa istraktura at nag-ulat tungkol sa pagtatayo nito sa The Jewish War at Jewish Antiquities. Nagbibigay ng ilang impormasyon tungkol dito ang Judiong Mishnah, at may kaunting impormasyon na makukuha sa arkeolohiya. Kaya naman, ang paglalarawang binabanggit dito ay mula sa mga mapagkukunang ito ng impormasyon, na sa ilang kaso ay maaaring pag-alinlanganan.—LARAWAN, Tomo 2, p. 543.
Sa The Jewish War (I, 401 [xxi, 1]), sinasabi ni Josephus na muling itinayo ni Herodes ang templo noong ika-15 taon ng paghahari nito, ngunit sa Jewish Antiquities (XV, 380 [xi, 1]), sinasabi niya na iyon ay noong ika-18 taon. Itong mas huling petsa ang karaniwang tinatanggap ng mga iskolar, bagaman hindi matiyak kung kailan nagsimula ang paghahari ni Herodes, o kung paano iyon kinuwenta ni Josephus. Ang pagtatayo ng mismong santuwaryo ay inabot nang 18 buwan, ngunit ang pagtatayo ng mga looban, at ng iba pang bahagi ng templo, ay nagpatuloy sa loob ng walong taon.
-
-
TemploKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Kung tungkol sa mga sukat na ibinigay ni Josephus, ganito ang sinasabi ng Dictionary of the Bible (1889, Tomo IV, p. 3203) ni Smith: “Napakatumpak ng pahalang na mga dimensiyon niya anupat may hinala kami na, noong sumusulat siya, nasa harapan niya ang isang saligang plano ng gusali na inihanda sa kagawaran ng pinunong tagapangasiwa-heneral ng hukbo ni Tito. Kataka-taka naman na malayo ang mga ito sa mga dimensiyon niya ng taas, na, halos lahat, ay maipakikitang pinalaki, anupat dinoble sa pangkalahatan. Yamang nagiba ang lahat ng mga gusali noong panahon ng pagkubkob, hindi posibleng patunayan na nagkamali siya sa mga sukat ng taas.”
Mga kolonada at mga pintuang-daan. Isinulat ni Josephus na dinoble ni Herodes ang laki ng lugar ng templo, anupat nagtayo siya ng malalaking batong pader sa mga gilid ng Bundok Moria at pinatag niya ang isang dako sa taluktok ng bundok. (The Jewish War, I, 401 [xxi, 1]; Jewish Antiquities, XV, 391-402 [xi, 3])
-
-
TemploKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Kasunod nito ay ang Looban ng mga Saserdote, na siyang katumbas ng looban ng tabernakulo. Matatagpuan dito ang altar, na gawa sa di-tabas na mga bato. Ayon sa Mishnah, 32 siko (14.2 m; 46.7 piye) kuwadrado ang paanan niyaon. (Middot 3:1) Mas malaki naman ang sukat na ibinibigay ni Josephus. (The Jewish War, V, 225 [v, 6]; tingnan ang ALTAR [Mga Altar Pagkaraan ng Pagkatapon].)
-
-
TemploKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nang kubkubin ng mga Romano ang Jerusalem noong 70 C.E, ginamit ng mga Judio ang lugar ng templo bilang kuta o tanggulan. Sinilaban nila mismo ang mga kolonada nito, ngunit, taliwas sa nais ng Romanong kumandante na si Tito, sinunog ng isang kawal na Romano ang mismong templo. Sa gayo’y natupad ang mga salita ni Jesus may kinalaman sa mga gusali ng templo: “Sa anumang paraan ay hindi maiiwan dito ang isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na hindi ibabagsak.”—Mat 24:2; The Jewish War, VI, 252-266 (iv, 5-7); VII, 3, 4 (i, 1).
-