Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • May-ari ng Lupain
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang taon ng Jubileo. Sinabi ng Diyos sa Israel: “Walang sinuman ang dapat maging dukha sa gitna mo.” (Deu 15:4, 5) Hangga’t ipinangingilin nila ang taon ng Jubileo, hindi masasadlak ang bansa sa isang situwasyon kung saan may dalawang uri lamang ng tao, ang mayamang-mayaman at ang dukhang-dukha. Tuwing ika-50 taon (binilang mula sa panahon ng pagpasok ng Israel sa Canaan), ang bawat tao ay babalik sa kaniyang mana, at anumang lupaing ipinagbili niya ay isasauli sa kaniya. Dahil sa kautusang ito, bumababa ang halaga ng lupain taun-taon habang papalapit ang Jubileo. Ang totoo, sa diwa ay inuupahan lamang ng taong bumili ang lupain, anupat ang halaga nito ay depende sa bilang ng pag-aani hanggang sa taon ng Jubileo. (Lev 25:13-16, 28) Ang mana ng isang tao ay hindi naman laging nananatili sa nakabili hanggang sa Jubileo. Kung ang orihinal na may-ari ay magkaroon ng sapat na salapi, maaari niyang tubusin ang lupain. Gayundin, maaari itong tubusin ng sinumang manunubos (malapit na kamag-anak) para sa orihinal na may-ari.​—Lev 25:24-27.

  • May-ari ng Lupain
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang mga Levita. Bilang proteksiyon sa mga Levita, ang kanilang mga bukid ay hindi maaaring ipagbili; ito’y sa dahilang walang indibiduwal na lupaing mana ang mga Levita​—mga bahay lamang sa mga lunsod ng mga Levita ang ibinigay sa kanila at ang mga pastulang nakapalibot sa mga iyon. Kapag ipinagbili ng isang Levita ang kaniyang bahay sa isang lunsod ng mga Levita, ang karapatang tumubos ay nananatili sa kaniya, at sa Jubileo, pinakamatagal na, ay ibabalik iyon sa kaniya.​—Lev 25:32-34.

  • May-ari ng Lupain
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang santuwaryo. Ang santuwaryo ni Jehova ay maituturing ding isang may-ari ng lupa dahil sa mga bukid na “pinabanal” kay Jehova; samakatuwid nga, ang mga ani mula sa mga bukid na ito ay napupunta sa santuwaryo sa isang yugto ng panahon na itinalaga ng may-ari. (Lev 27:16-19) Kung ang isang bukid na “pinabanal” ng may-ari ay hindi tinubos, kundi ipinagbili sa ibang tao, ang bukid na iyon ay magiging permanenteng pag-aari ng santuwaryo sa panahon ng Jubileo. (Lev 27:20, 21)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share