Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Karunungan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • KARUNUNGAN

      Ang Biblikal na diwa ng karunungan ay nagdiriin sa matinong pagpapasiya salig sa kaalaman at pagkaunawa; ang kakayahang gamitin nang matagumpay ang kaalaman at pagkaunawa upang lutasin ang mga suliranin, iwasan ang mga panganib, abutin ang mga tunguhin, o payuhan ang iba na gawin ang mga iyon.

  • Karunungan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang karunungan ay nagpapahiwatig ng lawak ng kaalaman at lalim ng pagkaunawa, anupat dahil dito ay nagiging matino at malinaw ang pagpapasiya, na isang katangian ng karunungan. Ang taong marunong ay “nag-iingat ng kaalaman,” anupat mayroon siyang mapagkukunan nito. (Kaw 10:14)

  • Karunungan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Sinasabi ng Kawikaan 21:11 na “sa pagbibigay ng kaunawaan sa taong marunong ay nagtatamo siya ng kaalaman.” Ang taong marunong ay nalulugod na makakuha ng anumang impormasyon na makapagbibigay sa kaniya ng mas malinaw na pangmalas sa mga pangyayari, kalagayan, at mga sanhing nasa likod ng mga suliranin. Sa gayo’y “nagtatamo siya ng kaalaman” sa kung ano ang gagawin niya may kinalaman sa bagay na iyon at nalalaman niya kung anong mga konklusyon ang kaniyang bubuuin, kung ano ang kailangan upang malutas ang suliranin.​—Ihambing ang Kaw 9:9; Ec 7:25; 8:1; Eze 28:3; tingnan ang KAUNAWAAN.

  • Karunungan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang kaalaman ay ang kabatiran sa mga bagay-bagay, at yamang si Jehova ang Maylalang, na “mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda” (Aw 90:1, 2), alam niya ang lahat ng bagay tungkol sa uniberso, ang kayarian at ang lahat ng naririto, pati ang kasaysayan nito magpahanggang sa ngayon. Siya ang gumawa ng lahat ng pisikal na batas, siklo, at mga pamantayan na pinagbabatayan ng mga tao sa kanilang pananaliksik at pag-iimbento, anupat kung wala ang mga pamantayang ito ay mahihirapan sila at wala silang magagamit na matatag na saligan. (Job 38:34-38; Aw 104:24; Kaw 3:19; Jer 10:12, 13) Makatuwiran lamang na ang kaniyang moral na mga pamantayan ay lalong mahalaga para sa katatagan, matinong pagpapasiya, at matagumpay na pamumuhay ng mga tao. (Deu 32:4-6; tingnan ang JEHOVA [Isang Diyos ng moral na mga pamantayan].)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share