Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kabanalan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nagkaroon ng mga lingguhang Sabbath. (Exo 20:8-11) Sa mga araw na iyon, maitutuon ng taong-bayan ang kanilang pansin sa kautusan ng Diyos at sa pagtuturo nito sa kanilang mga anak. Ang iba pang mga araw ng banal na kombensiyon o Sabbath ay: ang unang araw ng ikapitong buwan (Lev 23:24) at ang Araw ng Pagbabayad-Sala sa ikasampung araw ng ikapitong buwan. (Lev 23:26-32) Ang mga yugto ng mga kapistahan, at partikular na ang ilang araw niyaon, ay ipinangingilin bilang “mga banal na kombensiyon.” (Lev 23:37, 38) Ang mga kapistahang ito ay ang Paskuwa at ang Kapistahan ng mga Tinapay na Walang Pampaalsa (Lev 23:4-8); ang Pentecostes, o Kapistahan ng mga Sanlinggo (Lev 23:15-21); at ang Kapistahan ng mga Kubol, o Pagtitipon ng Ani.​—Lev 23:33-36, 39-43; tingnan ang KOMBENSIYON.

  • Kabanalan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Inutusan ni Jehova ang kaniyang bayan na ‘pighatiin ang kanilang mga kaluluwa’ sa Araw ng Pagbabayad-Sala, isang araw ng “banal na kombensiyon.” Nangangahulugan ito na dapat silang mag-ayuno, kilalanin at ipagtapat ang kanilang mga kasalanan, at makadama ng makadiyos na kalumbayan dahil sa mga iyon. (Lev 16:29-31; 23:26-32) Ngunit ang araw na banal kay Jehova ay hindi dapat maging araw ng pagtangis at kalungkutan para sa kaniyang bayan. Sa halip, ang mga araw na iyon ay dapat maging mga araw ng kasayahan at ng pagpuri kay Jehova dahil sa kaniyang kamangha-manghang mga paglalaan sa pamamagitan ng kaniyang maibiging-kabaitan.​—Ne 8:9-12.

      Ang banal na araw ng kapahingahan ni Jehova. Ipinakikita sa atin ng Bibliya na ang Diyos ay nagpasimulang magpahinga mula sa kaniyang mga gawang paglalang mga 6,000 taon na ang nakararaan, anupat ipinahayag niyang sagrado, o banal, ang ikapitong “araw.” (Gen 2:2, 3) Ipinakita ng apostol na si Pablo na ang dakilang araw ng kapahingahan ni Jehova ay isang mahabang yugto ng panahon nang sabihin niya na ang araw na iyon ay nakabukas pa upang ang mga Kristiyano, sa pamamagitan ng pananampalataya at pagkamasunurin, ay makapasok sa kapahingahang iyon. Bilang isang banal na araw, iyon ay panahon ng kaginhawahan at pagsasaya para sa mga Kristiyano, kahit sa gitna ng isang sanlibutang nanghihimagod at lipos ng kasalanan.​—Heb 4:3-10; tingnan ang ARAW, II.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share