-
KobraKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Dahil dito at sa napakatapang na lason ng kanilang kamandag, ang mga kobra ay kasama sa pinakamapanganib na mga hayop.
-
-
KobraKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Nang magsalita si Moises sa mga Israelita sa ilang, tinukoy niya ang kamandag ng kobra bilang “ang malupit na lason ng mga kobra.” (Deu 32:33) Tamang-tama ang terminong “malupit” upang ilarawan ang epekto ng kamandag ng kobra. Hinggil sa epekto nito, sinabi ni Findlay Russell, M.D., sa kaniyang aklat na Snake Venom Poisoning (1980, p. 362) na ang mga sintomas ay nagsisimula sa pamimigat ng mga talukap ng mata, at maaari itong sundan ng hirap sa paghinga, paralisis ng mga mata, dila, at lalamunan at posibleng may kasama pang pangingisay at cardiac arrest (paghinto ng tibok ng puso).
Ang lason ng kobra ay umaatake sa mga nerbiyo, pumaparalisa sa sistema ng palahingahan, at kalimita’y nakamamatay sa tao, malibang agad siyang mabigyan ng antivenom (panlaban sa kamandag). Binanggit ni Zopar ang “apdo ng mga kobra” at ang “kamandag ng mga kobra.”—Job 20:14, 16.
-