-
Pagbabayad-sala, Araw ngKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Pagkatapos, pagpapalabunutan ng mataas sa saserdote ang dalawang kambing (mga batang kambing na lalaki), na kinuha sa kapulungan ng mga anak ni Israel at parehung-pareho sa pagiging malusog at walang kapintasan. (Lev 16:5, 7) Pagpapalabunutan niya ang mga iyon upang malaman kung alin sa dalawa ang ihahain kay Jehova bilang handog ukol sa kasalanan at kung alin ang pakakawalan sa ilang bilang ang ‘kambing para kay Azazel’ na magdadala ng kanilang mga kasalanan. (Lev 16:8, 9; ihambing ang 14:1-7; tingnan ang AZAZEL.)
-
-
Pagbabayad-sala, Araw ngKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang kambing na kinahulugan ng palabunot “para kay Jehova” ay inihahain bilang handog ukol sa kasalanan para sa bayan. (Lev 16:8-10) Pagkatapos ay dadalhin ng mataas na saserdote ang dugo ng kambing na para kay Jehova sa loob ng Kabanal-banalan, at doon ay gagamitin niya ito upang magbayad-sala para sa 12 di-makasaserdoteng tribo ng Israel. Gaya ng ginawa sa dugo ng toro, ang dugo ng kambing ay iwiwisik “sa takip at sa harap ng takip” ng Kaban.—Lev 16:15.
Sa gayunding paraan nagbabayad-sala si Aaron para sa dakong banal at sa tolda ng kapisanan. Pagkatapos, kukuha siya ng dugo ng toro at ng ‘kambing para kay Jehova’ upang magbayad-sala para sa altar ng handog na sinusunog, anupat nilalagyan niya ng dugo ang mga sungay ng altar. “Iwiwisik din niya ang dugo sa ibabaw niyaon sa pamamagitan ng kaniyang daliri nang pitong ulit at lilinisin iyon at pababanalin iyon mula sa mga karumihan ng mga anak ni Israel.”—Lev 16:16-20.
Pagkatapos, ibabaling naman ng mataas na saserdote ang kaniyang pansin sa kambing na para kay Azazel. Ipapatong niya ang kaniyang mga kamay sa ulo nito, ipagtatapat niya sa ibabaw nito ang “lahat ng kamalian ng mga anak ni Israel at lahat ng kanilang pagsalansang sa lahat ng kanilang mga kasalanan,” ilalagay niya ang mga iyon sa ulo nito, at pakakawalan niya ito “sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong nakahanda.” Sa gayon ay dadalhin ng kambing ang mga kamalian ng mga Israelita patungo sa ilang, kung saan ito maglalaho. (Lev 16:20-22) Pagkatapos nito, lalabhan ng taong nagpakawala sa kambing ang kaniyang mga kasuutan at paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig bago siya pumasok sa kampo.—Lev 16:26.
-
-
Pagbabayad-sala, Araw ngKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang natira sa mga bangkay ng toro at ng kambing na handog ukol sa kasalanan ay aalisin sa looban ng tabernakulo at dadalhin sa isang lugar sa labas ng kampo, kung saan susunugin ang mga iyon. Ang nagsunog ng mga iyon ay maglalaba ng kaniyang mga kasuutan at paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig, pagkatapos ay makapapasok na siya sa kampo. (Lev 16:27, 28)
-