Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kapulungan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Kahalagahan ng Pagtitipon. Idiniin ng taunang pangingilin ng Paskuwa na dapat samantalahin ang mga paglalaan ni Jehova para sa pagtitipon upang magtamo ng espirituwal na kapakinabangan. Ang sinumang lalaki na malinis at hindi naman naglalakbay ngunit nagpabaya sa pangingilin ng Paskuwa ay lilipulin. (Bil 9:9-14) Nang ipatawag ni Haring Hezekias sa Jerusalem ang mga tumatahan sa Juda at Israel para sa pagdiriwang ng Paskuwa, sinabi niya sa kaniyang mensahe: “Kayong mga anak ni Israel, manumbalik kayo kay Jehova . . . huwag ninyong patigasin ang inyong leeg gaya ng ginawa ng inyong mga ninuno. Magbigay kayo ng dako kay Jehova at pumaroon kayo sa kaniyang santuwaryo na pinabanal niya hanggang sa panahong walang takda at maglingkod kayo kay Jehova na inyong Diyos, upang ang kaniyang nag-aapoy na galit ay mapawi mula sa inyo. . . . Si Jehova na inyong Diyos ay magandang-loob at maawain, at hindi niya itatalikod ang mukha mula sa inyo kung manunumbalik kayo sa kaniya.” (2Cr 30:6-9) Ang sinasadyang hindi pagdalo ay nagpapahiwatig ng pagtatakwil sa Diyos.

  • Kapulungan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Bukod sa mga ito, mayroon pang tatlong taunang “pangkapanahunang kapistahan ni Jehova”: ang Kapistahan ng mga Tinapay na Walang Pampaalsa, ang Kapistahan ng mga Sanlinggo (na nang maglao’y tinawag na Pentecostes), at ang Kapistahan ng mga Kubol (Lev 23), anupat may kaugnayan sa mga kapistahang ito ay ipinag-utos ng Diyos: “Sa tatlong pagkakataon sa isang taon, ang bawat lalaki sa iyo ay lalapit sa harap ng mukha ng tunay na Panginoon, si Jehova.” (Exo 23:14-17) Yamang kinikilala nila na napakahalaga ng mga kapistahang ito sa kanilang espirituwalidad, tinitiyak ng maraming lalaki na makadalo sa mga ito ang kanilang buong pamilya. (Luc 2:41-45) Gayundin, tuwirang sinabi ni Moises na tuwing ikapitong taon, sa panahon ng Kapistahan ng mga Kubol, ang mga lalaki, mga babae, mga bata, at mga naninirahang dayuhan sa Israel ay dapat tipunin sa dakong pinili ni Jehova “upang makapakinig sila at upang matuto sila, upang matakot sila kay Jehova na inyong Diyos at maingat na tuparin ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.” (Deu 31:10-12) Samakatuwid, may kaayusan noon para sa malimit na pagtitipon ng mga Israelita upang isaalang-alang ang Salita at mga layunin ni Jehova.​—Tingnan ang KAPISTAHAN.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share