Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Balsamo, Balsamo sa Gilead
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang terminong “balsamo” ay tumutukoy sa alinman sa maraming halaman, palumpong, at punungkahoy na naglalabas ng substansiya na aromatiko at karaniwan nang malangis at madagta. Ang salitang ito ay tumutukoy rin sa substansiyang inilalabas nito. May mga punungkahoy na kabilang sa mga abeto, spruce, alamo, at iba pang mga pamilya ng mga punungkahoy na pinagkukunan ng balsamo. Ang langis ng balsamo ay ginagamit bilang gamot (kadalasan ay may benzoic o cinnamic acid) at bilang pabango.

  • Balsamo, Balsamo sa Gilead
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Waring ang “balsamo [sa Heb., tsoriʹ] sa Gilead” ay may pambihirang kalidad at pantanging mga sangkap na nakagagamot. (Jer 8:22; 46:11) Unang binanggit ang balsamong ito kasama ng mga bagay na dala ng naglalakbay na pulutong ng mga Ismaelita na nagmula sa Gilead, sa S ng Jordan, at sa kanila ipinagbili si Jose. (Gen 37:25-28) Kabilang din ito sa “pinakamaiinam na produkto ng lupain” na ipinadala ni Jacob sa Ehipto bilang kaloob sa pamamagitan ng kaniyang mga anak na bumalik doon. (Gen 43:11) Ayon sa Ezekiel 27:17, inaangkat ito ng mayayamang mangangalakal ng Tiro mula sa kaharian ng Juda.

      Madalas tukuyin sa sinaunang panitikan ang nakapagpapagaling na mga katangian ng balsamo, pangunahin na bilang gamot sa mga sugat. Sa Kasulatan, si Jeremias ang tumukoy sa gayong nakapagpapagaling na mga katangian. Gayunman, ginamit niya ang mga ito sa makasagisag na diwa, una ay noong taghuyan niya ang espirituwal na pagkasira sa Juda (Jer 8:14, 15, 21, 22; ihambing ang San 5:14, 15), pagkatapos ay noong pagwikaan niya ang Ehipto hinggil sa walang-kabuluhang pagsisikap nito na iwasan ang pagkatalo sa kamay ng Babilonya (Jer 46:11-13), at sa kahuli-hulihan ay noong bigkasin niya ang hatol ng Diyos na kapahamakan laban sa Babilonya.​—Jer 51:8-10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share