Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Moises
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Kaya kung paanong si Moises ang kinatawan ng Diyos, si Moises naman ang magiging gaya ng “Diyos” kay Aaron, na magsasalita bilang kinatawan niya. Sa sumunod na pakikipagkita sa matatandang lalaki ng Israel at mga pakikipagharap kay Paraon, lumilitaw na ibinigay ng Diyos kay Moises ang mga tagubilin at mga utos at itinawid naman ni Moises ang mga ito kay Aaron, anupat si Aaron ang aktuwal na nagsalita sa harap ni Paraon (isang kahalili ng Paraon na tinakasan ni Moises 40 taon na ang nakararaan). (Exo 2:23; 4:10-17) Nang maglaon, tinukoy ni Jehova si Aaron bilang “propeta” ni Moises, nangangahulugan na kung paanong si Moises ay propeta ng Diyos, na tinatagubilinan niya, si Aaron naman ay dapat tagubilinan ni Moises.

  • Moises
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa Harap ni Paraon ng Ehipto. Sina Moises at Aaron ay naging mga pangunahing tauhan noon sa isang ‘labanan ng mga diyos.’ Sa pamamagitan ng mga mahikong saserdote, lumilitaw na pinangungunahan nina Janes at Jambres (2Ti 3:8), nanawagan si Paraon sa kapangyarihan ng lahat ng diyos ng Ehipto laban sa kapangyarihan ni Jehova. Pinatunayan ng unang himalang isinagawa ni Aaron sa harap ni Paraon ayon sa utos ni Moises na mas makapangyarihan si Jehova kaysa sa mga diyos ng Ehipto, bagaman lalo pang nagmatigas si Paraon. (Exo 7:8-13) Nang maganap ang ikatlong salot, maging ang mga saserdote ay napilitang umamin, “Ito ay daliri ng Diyos!” At napakatindi ng salot ng mga bukol na pinasapit sa kanila anupat hindi man lamang sila nakaparoon sa harap ni Paraon upang salansangin si Moises noong panahon ng salot na iyon.​—Exo 8:16-19; 9:10-12.

      Ang mga salot ay nagpalambot at nagpatigas ng puso. Sina Moises at Aaron ang nagpatalastas ng pagsapit ng bawat isa sa Sampung Salot. Dumating ang mga salot gaya ng ipinatalastas, na nagpapatunay na inatasan si Moises bilang kinatawan ni Jehova.

  • Moises
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Nangailangan ng lakas ng loob at pananampalataya upang makaharap kay Paraon. Dahil lamang sa lakas ni Jehova at sa pagkilos ng kaniyang espiritu sa kanila kung kaya nagampanan nina Moises at Aaron ang atas na ibinigay sa kanila. Ilarawan sa isip ang korte ni Paraon, ang hari ng kinikilalang kapangyarihang pandaigdig nang panahong iyon. Sa gitna ng napakaringal na kapaligiran, ang palalong si Paraon, ipinapalagay na isang diyos mismo, ay napalilibutan ng kaniyang mga tagapayo, mga kumandante ng militar, mga bantay, at mga alipin. Naroon din ang mga lider ng relihiyon, ang mga mahikong saserdote, na nangunguna sa pagsalansang kay Moises. Bukod kay Paraon, ang mga lalaking ito ang pinakamakapangyarihang mga tao sa kaharian. Ang kahanga-hangang hanay na ito ay handang sumuporta kay Paraon at sa mga diyos ng Ehipto. At maraming beses na humarap sina Moises at Aaron kay Paraon, anupat sa bawat pagkakataon ay lalo pang tumitigas ang puso ni Paraon, sapagkat determinado siyang panatilihin sa kaniyang kontrol ang pinakikinabangan niyang mga aliping Hebreo. Sa katunayan, matapos ipatalastas ang ikawalong salot, ipinagtabuyan sina Moises at Aaron mula sa harap ni Paraon, at pagkatapos ng ikasiyam na salot ay binantaan silang huwag nang tangkaing makita pang muli ang mukha ni Paraon kung ayaw nilang mamatay.​—Exo 10:11, 28.

      Kung iisipin natin ang mga bagay na ito, mauunawaan natin kung bakit paulit-ulit na humiling si Moises kay Jehova ng katiyakan at lakas. Ngunit dapat pansinin na palagi niyang ginagawa kung ano ang mismong iniutos ni Jehova. Hindi niya binawasan ng isa mang salita ang iniutos ni Jehova sa kaniya na sabihin kay Paraon, at napakahusay ng pangunguna ni Moises anupat, noong panahon ng ikasampung salot, “ginawa ng lahat ng mga anak ni Israel ang gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises at kay Aaron. Gayung-gayon ang ginawa nila.” (Exo 12:50)

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share