-
Patiunang Kaalaman, Patiunang PagtatalagaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang mapamiling paggamit ng patiunang kaalaman ay nangangahulugan na maaaring piliin ng Diyos na huwag patiunang alamin ang lahat ng pagkilos ng kaniyang mga nilalang sa hinaharap. Mangangahulugan iyan na ang buong kasaysayan mula sa paglalang ay hindi pag-uulit lamang ng mga pangyayari na patiuna nang nakita at naitalaga ng Diyos, kundi sa halip ay buong-kataimtimang maiaalok ng Diyos sa unang mag-asawa ang pag-asang mabuhay nang walang hanggan sa isang lupa na walang kabalakyutan. Sa gayon, nang tagubilinan niya ang kaniyang unang mga taong anak na maging kaniyang sakdal at walang-kasalanang mga ahente upang punuin ang lupa ng kanilang mga supling at gawin iyon na isang paraiso, at gayundin upang supilin ang mga nilalang na hayop, ang ipinagkaloob niya sa kanila ay isang tunay na maibiging pribilehiyo na taimtim niyang ninais para sa kanila, anupat hindi niya sila basta binigyan ng isang atas na nakatalagang hindi nila maisasagawa. Bukod diyan, ang pagsasaayos ng Diyos ng isang pagsubok sa pamamagitan ng “punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama” at ang paglalang niya ng “punungkahoy ng buhay” sa hardin ng Eden ay hindi walang-kabuluhan o mapangutyang mga pagkilos, na magkakagayon nga kung patiuna niyang alam na ang mag-asawa ay magkakasala at hindi kailanman makakakain mula sa “punungkahoy ng buhay.”—Gen 1:28; 2:7-9, 15-17; 3:22-24.
-
-
Patiunang Kaalaman, Patiunang PagtatalagaKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Sakdal ang unang mag-asawa nang lalangin sila ng Diyos, at maaaring tingnan ng Diyos ang resulta ng lahat ng kaniyang gawang paglalang at sabihing iyon ay “napakabuti.” (Gen 1:26, 31; Deu 32:4) Sa halip na may-paghihinalang alamin kung ano ang gagawin ng mag-asawa sa hinaharap, sinasabi ng ulat na siya ay “nagpasimulang magpahinga.” (Gen 2:2) Maaari niyang gawin iyon yamang siya ang Makapangyarihan-sa-lahat at nagtataglay siya ng sukdulang karunungan; kaya naman walang pagkilos, kalagayan, o di-inaasahang pangyayari sa hinaharap ang maaaring maging balakid na di-mapagtatagumpayan o suliranin na di-malulutas upang makahadlang sa katuparan ng kaniyang layunin bilang Soberano. (2Cr 20:6; Isa 14:27; Dan 4:35)
-